CHAPTER 1.19

624 36 1
                                    

"Sino po sila?" tanong ni Eman pagkabukas ng pinto


"Pwede ba wala ko sa mood. Dito muna ko matutulog" seryosong sagot ni Charlie.


Napakunot-noo si Eman.


"Pasensya na miss, nagkamali ka ata ng bahay na pinuntahan"


"Yung totoo? Nakadrugs ka ba?"


Nagcross arm ang binata.


"Hindi ako pwedeng magpatulog ng ibang tao dito. Magagalit yung misis ko"


"Allergic ka sa commitment kaya pano ka magkakaroon ng asawa"


"Hindi mo ko madadaan sa ganda miss. Isa pa I don't talk to strangers. Maghanap ka nalang ng ibang magogoyo. Okay? Babu!" pagkasabi'y biglang isinara ni Eman ang pinto.


 "Aba lokong yon ah. Hoy Eman buksan mo nga tong pinto. Ako to si Charlie!!!" anang dalaga habang pinupukpok ang pinto.


Muling bumukas ang pinto.Tiningnan nito ang dalaga mula ulo hanggang paa.


"Si Charlie may lahing akyat bahay yon, hindi marunong gumamit ng pinto laging sa bintana dumadaan"


"Tingin mo ba makakaakyat ako ng bintana sa suot kong 'to?"naiinis na sabi ng dalaga.


"Magsabi ka ng totoo. May usapan kami kanina pero di sya dumating. San mo

dinala si Charlie?" kumpronta ng binata habang hawak sa isang braso ang dalaga.


"Hayy ang kulit"


Nahihilo na si Charlie sa kakayugyog ni Eman kaya hineadbat nya ang binata ng mapikon.


"Ahhrggh!!"


"Pangalawa kana sa naheadbat ko ngayong araw. Itutuloy mo parin ba yang kalokohan mo o papapasukin mo ko?"


Nilakihan ng binata ang pagkakabukas sa pinto para makapasok ang kaibigan.


"Sya nga si Charlie, dapat naniwala nalang agad ako" bulong nito habang hawak ang namumulang noo.


 "Oh"


Nakatalikod na iniabot ni Eman ang damit na hinihiram ni Charlie.


Kasalukuyang nasa cr ang dalaga para maghalf bath.


"Salamat" sagot ni Charlie pagkaabot sa damit.


Naupo ang binata sa higaan.


"So ibig sabihin ikaw nga yung narinig kong sumigaw kanina?"


HE's my Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon