CHAPTER 1.24

554 24 6
                                    

Nang mapag alaman ni Ethan na may trangkaso si Trina ay naisipan nya itong puntahan para kumustahin.


"Ethan?" halatang nagulat ito pagkabukas sa gate.


"Hi!"


"May problema ba?" 


"Wala naman. Sabi kasi sa loveypopper may sakit ka daw kaya pinuntahan kita"


"Naku nag abala pa kayo sir"


"Kumusta na pakiramdam mo?"


"Medyo okay na. Sabi ng doktor kailangan ko lang ng maraming tubig at bedrest" nakangiting wika ng dalaga.


"Mabuti naman kung ganon"


"Pasok ka"


"Sige lang ayoko ng makaabala sa pahinga mo. Ang totoo may kasama din kasi ako"


"Si Miss Charlie?" anito matapos sumulyap saa nakaparadang kotse ni Ethan.


Namumulang tumungo si Ethan.


"May date kayo?" tila kinikilig ito.


"Naku wala. Inihatid lang namin yung kapatid nya  sa school."


Ngumiti ng makahulugan ang dalaga.


"Pero balak ko talaga syang yayaing lumabas. Sana nasa mood sya"


"Goodluck sayo"


"Salamat Trina"


"Salamat din sa pagpunta Ethan."





Sa tantsa ni Ethan wala pang sampung minuto ang naging pag-uusap nila ni Trina pero laking gulat nya ng balikan si Charlie sa kotse ay wala na ito.


"San nagpunta yon?"













"Anong akala nya sakin bodyguard? Alalay? Basta basta nalang nya kong uutusan na maiwan sa kotse habang sya umaakyat ng ligaw? Ang kapal talaga!" gigil na kinakausap ni Charlie ang sarili.

HE's my Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon