CHAPTER 1.18

664 35 7
                                    

"Kyah! Anak ko yan!" sigaw ni Aling Mercedes mula sa malayo ng masalo ni Charlie ang bulaklak. Ang lahat ay nagtinginan sa kanya. Sa isang iglap ay naging sentro sya ng atensyon ng mga tao. Parang gusto nyang manliit sa hiya.


Pero bago pa nya maisipang tumakbo pauwi ay nahila na sya ng mga hosts sa harapan.


Sumunod ang garter game ng mga groomsmen sa saliw ng All About that Bass by Mhegan Trainor. Lahat ng boys ay magpapasahan ng garter habang may tugtog tapos biglang titigil yung music at kung sino ang may hawak ng garter sya ang makakapartner nung nakasalo ng bouquet.




Because you know I'm all about that bass,


'Bout that bass, no treble


I'm all 'bout that bass, 'bout that bass, no treble


I'm all 'bout that bass, 'bout that bass, no treble


I'm all 'bout that bass, 'bout that-




Kasabay ng pagtigil ng tugtog ang pagtigil ng garter kay Ethan. Lalong sumimangot si Charlie ng bigyan sya ng mapang-asar na kindat ni Ethan.


"Ladies and gentlemen our lucky pair! We have here?"


"Ethan" nagpacute si Ethan. Umiling iling si Charlie.

"Ubod talaga ng yabang tong ungas na 'to" bulong ng dalaga


"Anong sabi mo?" anang binata.


"Sabi ko ang cute mo-"


"Alam ko na yan" pagyayabang nito


"-nung di pa uso ang tao" dagdag ng dalaga.


Nagtitigan ang dalawa. Akala mo may kuryenteng nagbabanggaan sa pagitan ng mga mata nila.


"This gorgeous lady over here is also one of Lorraine's bestfriend. Miss?"


"Charlie" tila nahihiyang sagot nito.


Nag okay sign si Lorraine kay Aling Mercedes. They both giggled.


"And now for the most exciting part, the garter placement!"


"Ano nanaman bang kalokohan to?" naaasar na bulong ni Charlie.


Ang totoo alam na ni Ethan ang mga susunod na mangyayari dahil ilang beses na syang nakapunta sa ganitong klaseng okasyon pero wala syang balak na sabihin sa dalaga dahil baka magwala ito. Siguradong sya nanaman ang malalagot dito pag nagkataon.


"So whats gonna happen partner?"


"As usual the girl who caught the brides' bouquet will be seated on a chair while the gentleman who caught the garter must place the garter on her leg. But since this is the wedding of the century there should always have a twist on everything"

HE's my Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon