PRØVESTEN
Chapter 7
SYLVIA
Shane is definitely out of his mind.
Iyon ang una niyang naisip kung pagbabasehan niya ang mga sinabi sa kanya ng binata nitong mga nakaraang araw. Gusto niyang magalit dito dahil pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya nito kahit alam naman niyang hindi.
Nagbuntong hininga siya. Shane needs her at iyon ang mas dapat niyang isipin lalo pa’t campaign period na.
May mangilan-ngilan na ring bumabati sa kanya at tinatanong ang tungkol sa kanila si Shane at may mga nag iinquire na rin sa opisina nila ni Vannah na para sa maliit lang na event.
Bumukas ang pinto ng opisina at nang tunghayin niya ay si Shane ang pumasok. Naka polo shirt na puti ulit ito at may suot na sun glasses. Sa labas ay nakita niyang naroon ang campaign manager nito at ang pick up nito. May
“Hey babe.” Tawag nito sa kanya. “How do I look?” Tanong nito at napailing siya. Tumayo siya at lumapit dito para ayusin ang collar ng polo nitong nakataas pa sa likod. Inalis din niya ang sun glasses nito.
“H’wag kang mag sun glasses sa labas habang nangangampanya ka, let them see your eyes and show them your sincerity.” Sabi niya rito tinapik ang pisngi nito. “Tandaan mo, hindi ka papogi lang.” Sabi niya rito at ngumisi ito.
“Palagay mo pogi ako?” Tanong nito at umikot ang mga mata niya.
“Seriously?” Tanong niya rito.
Imbes na sumagot ay hinawakan nito ang kamay niya at inilapat iyon sa dibdib nito. Ramdam niya sa ilalim ng palad niya ang malakas na kabog ng puso nito dahilan upang mapatitig siya sa mga mata nitong nakatutok sa kanya.
“Syl, I’m nervous.” Sabi nito sa kanya sa mahinang tinig.
“Oh Shane.” Sambit niya at sinapo ang magkabilang pisngi nito. “You got this. You’ve prepared for this all your life. You can do this.” Dagdag pa niya.
“Alam ko yan, sinabi ko na sa sarili ko ‘yan kaninang magising ako but still, I’m nervous. I mean, this is it, campaign period na.”
“Look, you’ve done this before as Vice Mayor and as councilor.”
“Kahit na, this is different.”
“Hey, you’ve got this. You will serve this town, your intentions are good and you’ll do your very best for it, for us all and I’ll support you all the way, I got you.” Sabi niya at ngumiti rito.
It’s rare for her to see vulnerable Shane, it’s rare for Shane to admit he’s weak but he’s an honest man, he won’t lie.
He nodded at sa pagkakataong iyon ay ito naman ang sumapo sa pisngi niya at hinalikan ang noo niya.
“What am I gonna do without you, Syl?” Tanong nito sa kanya.
“Magiging miserable ka kapag wala ako.” Biro niya rito at narinig niya ang mahinang pagtawa nito.
“You’re right.” Sambit nito at niyakap siya. Hinayaan naman niya ang sariling makulong sa bisig nito. She inhaled his scent and closed her eyes. Feeling the strength that surrounded her.
BINABASA MO ANG
PRØVESTEN
RomancePUEBLO DE SAN LORENZO (Book 3) [Mature Content] Shane knows Sylvia have his back. She is someone he could trust his life or his whole political career. The thing is, will he be able to do the same for her? Will he be man enough for her? With so many...