PRØVESTEN
Chapter 10
Shane
“Saan tayo mag d-dinner?” Tanong niya kay Sylvia. Pinagapang niya sa binti nito ang paa niya at bahagyang sinungkit niya iyon para pagkiskisin ang mga binti nila sa ilalim ng lamesa.
“Hmm?” Tugon lamang nito na hindi nag aangat ng tingin. Nananatiling nasa schedule ang atensyon nito.
“Dinner.” Ulit niya. Tumunghay na ito pero hindi sa kanya bumaling. Kay Arthur ito tumingin.
Kung burahin kaya niya ang mukha ni Arthur?
“Oh. Arthur, gusto mo bang sumama na mag dinner sa amin? Pwede nating ipagpatuloy ang pag uusap tungkol sa campaign ni Shane over dinner.” Sabi ni Sylvia at naiyukom niya ang palad niya.
Agad namang tumingin sa kanya si Arthur at marahan siyang umiling at iniangat ang kamay niya. Pinalagutok niya ang mga daliri habang nakatingin kay Arthur at mabilis itong nag iwas ng tingin sa kanya..
“Next time na lang, Sylvia I need to go home. May mga tatapusin pa rin kasi ako.” Sagot nito at tumango siya.
“Ganoon ba? Okay sige, sa susunod na lang.” Si Sylvia iyon at pumaling sa kanya. “Gutom ka na ba?” Tanong naman nito sa kanya.
“Yes.”
Tumingin ito sa relo nito.
“Sige sandali na lang.”
“Gutom na kayo, Vice Mayor? Sige bukas na lang ulit ‘tong meeting natin. Pwede naman.” Sabi ni Arthur at tumayo. Maigi naman at nakahalata.
“Bukas? After office hours lang ako available bukas. May event kasi kami.” Sabi ni Sulvia.
“Tatawagan na lang kita bukas, huwag mo na masyadong alalahanin ‘tong meeting. Iyong trabaho mo ang unahin mo.” Sabi niya rito. Baka mamaya ay kung ano pa ang sabihin ng magaling na si Arthur sa Sylvia niya.
“Pero kasi mahalaga ‘to para sa campaign mo.” Sabi ni Sylvia sa kanya.
“Look, it’s okay. Ako ng bahala.” Sabi niya. Tumayo naman si Arthur at lumabas, mukhang alam nitong yayariin niya ito kapag wala si Sylvia.
“Okay.” Sagot ni Sylvia. Tumayo na siya at ganoon din naman ang ginawa nito. Dinampot niya ang mga gamit nito at isiningit sa braso at tagiliran niya. Nang lumabas sila ng opisina ay may mangilan ngilan pang mga tao na magiliw na nakangiti sa kanila. Ang isang kamay niya ay awtomatikong napunta sa lower back nito habang naglalakad sila palabas.
“Shane, Sylvia.” Napalingon silang pareho nang may tumawag sa kanya.
“Mayor.” Tugon niya at nagkamay silang dalawa.
“Hello po, Mayor.” Saad ni Sylvia.
“Kailan kayo magpapakasal? Akala ko ba ay magpapakasal kayo sa akin bago matapos ang term ko?” Sabi ni Mayor sa kanilang dalawa at nanlaki ang mga mata niya habang namula naman ang mukha ni Sylvia.
Agad siyang lumapit sa Mayor.
“Hindi mo pa ba niyayaya si Sylvia?” Tanong ng matanda sa kanya at nang umiling siya ay umiling rin ito sa kanya.
“Hindi po kami magpapakasal, Mayor. Bayan po muna. Itong bayan po natin priority ni Shane.” Sagot ni Sylvia at ngumiti sa Mayor.
“Iyon ba ang sabi ni Shane? Kayang kaya namang pagsabayin ng batang ‘yan ang pagsisilbi sa bayan at ang pagiging asawa mo.” Sabi ulit ng kasalukuyang Mayor sa kanila.
BINABASA MO ANG
PRØVESTEN
RomancePUEBLO DE SAN LORENZO (Book 3) [Mature Content] Shane knows Sylvia have his back. She is someone he could trust his life or his whole political career. The thing is, will he be able to do the same for her? Will he be man enough for her? With so many...