PRØVESTEN
Chapter 5
SHANE
Nang magmulat siya ay kisame ang kaagad niyang nakita. Naramdaman din niyang masakit ang likod niya at sa carpeted floor siya nakahiga. Naalala niyang nasa bahay siya ni Calvin at Jenyl kagabi at hanggang ngayon kasama si Sylvia.
He turned left and saw her sleeping beside him on the floor. Nakatalikod ito sa kanya at naamoy niya ang pabango nitong kahapon pa nito inilagay, it’s fading but still there. Kasama ng pabango nito ay ang amoy ng wine at beer sa ere.
Iniikot niya ang tingin sa paligid at nakitang nasa sofa si Levi, sa kabilang dulo ng sofa ay naroon naman si Third. Kasunod na nakita niya ay si Marcus na tulog sa accent chair. Madilim pa sa labas at sa quatro naka tapat ang maikling kamay ng malaking orasan sa bahay nina Calvin.
Pumaling siya kay Sylvia at iniangat ang ulo nito para iunan sa braso niya. Napansin din niyang nakakumot na silang dalawa. Itinaas niya iyon hanggang dibdib niya at hinapit ang katawan ni Sylvia padikit sa kanya. Nang magawa niya iyon ay yumakap siya rito at idinantay ang binti rito bago muling pumikit.
Napamulat siyang muli nang maramdaman ang pagkilos ni Sylvia. Pumipihit ito paharap sa kanya kaya’t niluwagan niya ang pagkakayakap dito.
“Hi.” Sabi niya nang makitang bahagya rin itong nagmulat. Imbes na sagutin siya nito ay umangat ang kamay nito at yumakap sa kanya. Burying her face on the space connecting his chin and chest.
“Sleep well, darlin’.”
“Hmm, tinulugan mo ako kagabi.” Sagot nito sa kanya at napangiti siya.
“I remember. I’m sorry about that.” Sabi niya at niyakap na rin ito. Caressing her back until he reached her waist. He brushed his thumb on her exposed skin between the hem of her shirt and jeans , then slid his calloused hand inside her shirt. Making a more direct contact with her soft and smooth flesh.
“Shane …” Bulong nito. Her breath warm and raspy against his neck. He leaned to her, tugging her chin so her lips could meet his. Her moans stuck in his mouth as he deepened their kiss.
His hand traveled to her side down to her thigh. Jerking it high and settling it on his own. One of his legs slipping between her legs, pressing against the middle of her jeans.
Humigpit ang yakap nito sa kanya at bumaba naman sa leeg nito ang labi niya but they both stopped and stiffened nang may marinig silang kaluskos. Si Marcus iyon na tumayo mula sa accent chair at lumakad sa direksyon ng banyo.
Nang tingnan niya si Sylvia ay may naglalarong ngiti sa mga labi nito.
“We should stop. We’re not alone.” Natatawang bulong nito sa kanya at tumango naman siya. Hinaplos niya ang pisngi nito at humalik sa tungki ng ilong nito.
“You’re right, hun. We should stop. Go back to sleep.” Saad niya rito at hinalikan ang noo nito.
“You too, go back to sleep. I know you’re tired.” Sagot nito sa kanya at tumapik sa dibdib niya. “Marami ka pang gagawin bukas sa munisipyo, maraming naghihintay at nangangailangan sa’yo r’on, remember that you will take care of the whole town sooner or later.”
BINABASA MO ANG
PRØVESTEN
RomancePUEBLO DE SAN LORENZO (Book 3) [Mature Content] Shane knows Sylvia have his back. She is someone he could trust his life or his whole political career. The thing is, will he be able to do the same for her? Will he be man enough for her? With so many...