Chapter 8

3.6K 218 19
                                    

PRØVESTEN

Chapter 8

SYLVIA


"Oh my God!" Nasambit niya nang makapasok siya sa loob ng opisina nila.

"Surprise!" Si Savannah iyon at may hawak itong paper bags na alam niyang para sa kanya. They both squealed at niyakap ang isa't isa.

"Kailan kayo dumating? Bakit hindi ka tumawag?" Tanong niya rito.

"Last night. Ayaw pa nga sanang umuwi ni Eli pero naiisip namin pareho yung trabaho namin kaya ito, umuwi na kami." Sabi nito at iniabot ang paper bags sa kanya na ipinatong niya sa lamesa.

"I missed you." Sabi niya rito.

"I missed you too."

"Nasaan pala si Eli?" Tanong niya ulit dito.

"Nasa bahay, tulog pa." Sabi nito at namula ang mukha. Tumaas ang isang sulok ng labi niya at tiningnan ito.

"Hmm ..." Tugon lang niya pero mas lalong namula ang mukha nito.

"Enough about us. Tell me about you and Shane, bakit sabi ni Raven ay official na raw kayo. Ibinalita rin sa akin ni Third ang tungkol sa inyo." Sabi ni Savannah at tinapik nito ang upuan. Naupo silang dalawa at hinarap siya nito.

"Something like that." Sagot niya.

"Anong "something like that"? Kayo na? Officially na ba? Magiging Mrs. Shane Peñamante ka na?" Tanong nito.

"Hindi 'no." Tanggi niya.

"Kung kayo na ay doon din kayo pupunta." Sabi ni Savannah.

Ayaw niya sanang maglihim kay Savannah pero gagawin na rin muna niya iyon para kay Shane. Gusto niyang sabihin na hanggang eleksyon lamang ang relasyon nila ni Shane pero tsaka na lamang siguro.

"Hindi ko alam, busy siya ngayon sa campaign. Ayaw ko na rin munang magbigay ng ibang isipin sa kanya." Sagot niya.

"Speaking of the devil." Napabaling siya sa likuran niya at nakita sa labas ng opisina na bumaba si Shane ng pick up nito. Kasunod nito si Arthur.

Napatayo siya sa kinauupuan niya at sinalubong na niya sa pinto si Shane.

"Hi." Sabi nito at ang ganda ng ngiti sa kanya.

"Hi." Tugon niya.

"So? Kumusta ang hitsura ko ngayon?" Tanong nito sa kanya. Gusto niyang matawa dahil wala namang ipinagbago ang hitsura nito ngayon sa mga nakaraang araw.

White polo shirt, jeans at ang sapatos nito.

"You look like Shane." Sabi niya rito at lumali ang ngisi nito. "Yeap, wear that smile. Makukuha mo ang boto nila." Dagdag pa niya. Hinawakan naman nito ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya sa labi.

"Excuse me." Naghiwalay sila nang marinig nila ang boses ni Savannah sa likod niya.

"Hey, Sav. Kailan ka pa r'yan?" Tanong ni Shane na bumitaw na rin sa pisngi niya.

PRØVESTENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon