The ordinary world

1.3K 57 10
                                    

3rd person pov

sa gitna ng siyudad,may isang ubod ng duming bahay na parang walang naglilinis pagkat puno ito ng napakaraming kalat na mga technolohiya.

mayroon itong sikretong underground passage.

paglagpas sa lagusang ito, doon mo makikita ang isang sikretong laboratoryo ng isang matandang lalaking haka-haka ng mga tagaroon na isa raw baliw.

pinag-aaralan ng matanda ang mga blueprint na nakalatag sa lamesa.

pagkatapos ay pinag-kokonekta ang mga linyang nakakabit sa isang maliit na butas na parang mistulang sing-sing sa liit.

"oras ng mapatunayan ang aking mga hinala"sambit nang lalake at pinindot ang switch na naka-kunekta sa ring.

humigup ng napakalakas na kuryente ang mga kable.

Nagkaroon ng kakibang imahe ang maliit na butas ng sing sing.

"sana ito na iyon!!"excited na sambit ng matanda at kumaripas ng takbo papalapit sa sing-sing.

tinignan niya ang butas nito at naaninag ang isang lugar na may mga bolang apoy na lumulutang sa taas ng kamay ng mga tao.

ibat-ibang uri ng elemento ang nagagawang gamitin ng mga mamayananan, dag-dag pa na may mga ibong lumilipad na sakay ang mga tao.

ikinamangha ito ng matanda.

"tama ako, mayroon ngang ibang mundo!!"sigaw nito habang hindi makapaniwala sa nakikita.

kaso biglang nag brownout ang boung siyudad dahil sa lakas ng pag-hatak ng kuryente ng maliit na portal.

dag-dag pa na nasira ang lahat ng linya ng kable ng sing-sing sa paligid na parang nasunog, dahil hindi kinaya.

nakatulalang huminga nang malalim ang matanda, di parin makapaniwala sa nakita,kahit sobrang dilim na ng paligid"kakailangan ko ng napakaraming enerhiya at pera para makagawa ng mas malaking portal!!".

samantala.

(somewhere on earth)

sa napakalawak na bulubunkin nang pilipinas binabalutan ng napakararaming bukirin.

makikitang may mga grupo ng batang lalake halos 11 years old ang nangahas umakayat sa taas ng falls,sa oras ito ng kanilang vacant period.

sinusubukan nilang gumapang sa napakaratik at mabatong bundok hawak hawak lamang sa matatalas na edges ng bato.

"kc wag na nating ituloy ito,delikado at bawal mapapagalitan lang tayo"sabi ng batang mukhang takot na takot at halos lalabas na ang sipon.

"wag kang mag alala jun,nandito lang ako sa likuran mo,di kita hahayaang mapahamak"sagot ni kc na patuloy ding gumagapang.

"hehe duwag ka talaga jun"dag-dag ng isa pang bata sa likuran ni kc.

"hayaan mo na siya ed, bilisan natin baka ma late pa tayo,alalay lang diyan sa harapan jun"sambit ng batang nasa pinakababa ng tatlo.

halatang nanginginig na si jun sa kaba at nang mahawakan niya ang isang madulas na bato.

biglang nawala ang kapit niya dito.

"tulong mahuhulog ako!!"biglang sambit ni jun.

mabilis na hinablot ni kc ang mala-taling sanga ng ugat na nasa paligid.

Fragile PhantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon