Isekai guild

228 27 2
                                    

matapos gumaling si kc tumungo siya muli sa guild.

kc pov

habang naglalakad may nakasabay akong grupo.

"uyy anong quest kaya ang kukunin natin ngayon"

"bastat yung quest na may malaking pabuya gusto kung magsaya sa bar ng elfs mamayang gabi"

sa masayang usapan ng grupo naalala ko sa kanila ang dati kung barkada.

nangigil ako dahil tinalikuran nila ako,sila lang ang tanging pinagkatiwalaan ko pero iniwan lang nila ako.
habang nasa malalim na pag-iisip

biglang may humablot ng pera ko habang nakatulala.

mabilis itong itinakbo ng maliit na bata.

"hoy ibalik mo yan!!"habol ko.

mabilis na hinarang ng isang dilaw na buhok na lalake ang bata sabay pinagsabihan.

"diba sabi ko naman sayo wag ka ng mangnunguwa ng gamit ng iba lalo na pag magicless"

halos ka-edad ko lang ang lalake.

sabay kinuha at ibinalik saakin ang pera"pasensiya kana,gutom lang sila kaya nila nagagawa iyan,pero mababait sila"sabay may iniabot na pagkain sa mga ito"o ito na almusal niyo,paghatian niyo,humingi kayo ng tawad sa kuya,hayaan niyo sa susunod na matatapos kung mission sa restuarant tayo kakain"

patawad po,nakayukong sabi nila.

"pasensiya ka nga pala ako nga pala si edgar at sila ang mga batang kinupkop ko sa lansangan,ikaw ano pangalan mo"bati at lapit saakin.

Di ako sumagot sa mga magnanakaw na ito, perwisyo kayo sa buhay, taas kilay akong tumalikod, bakit ko ibibigay sa iba ang pagkakakilanlan ko wala akong balak makipagkaibigan sa mga taong baka gamitin lang ako,traydorin o iwan oras na hindi na kailangan tulad nila ej na tropa ko nung simula.

pagdating sa guild,kaagad akong dumiretso sa counter.

mapapansing wala doon si kryge at parang ilag sakin ang mga nandoon .

"ano po ang kailangan niyo"sabi ng guild lady na tumulong sakin dati.

"kukuha ako ng adventurer's card"iniabot ko ang bayad.

ibinigay niya ang adventurers card"kung ganoon pumasok na po kayo dito para sa information briefing,ako nga pala si kristel ang mag iinform sa inyo"

pagpasok doon tinanong nila ako ng mga personal na impormasyon.

nagsimula ang rank ko sa e.

may anim na rank simula sa pinaka mataas na s,a,b,c,d,e.

doon nagpatuloy na siyang mag explain ng mechanics ng guild.

sinabing sa mundong ito ay may 5 continent.

una itong kinatatayuan natin ang manor region.

isang continent na puno ng gladiator arena,napapalibutan ng mga forest at jungle,sikat sa pag huhunt ng beast.

ikalawa ay ang artempus isang mountain valley na napapalibutan ng makapal na mist tanging flying tamed beast lang ang pangunahing transportasyon, ito ang lugar ng mga adventurers na magagaling sa close combat attacks.

ikatlo ay ang sevarra isang disyerto na walang sinusunod na batas to survive tanging bilis lang at skills ang kailangan mo,pinamumugaran ito ng mga criminal at bandits kaya madalas ditong magtungo ang mga bounty hunter or cowboy.

Fragile PhantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon