Chapter 15

2.6K 76 4
                                    

"Prinsesa"

Minulat ko ang mata ko, nasaan ako? Tumayo ako at nagsimulang maglakad. Ang ganda dito, ang daming bulaklak, this is like heaven.




"Prinsesa."


Tawag ng isang boses, sino yun? Ang gaan sa pakiramdam ng boses nya.




"Sino ka?"sabi ko.



Naglakad ako at pilit na hinahanap ang daan papunta sa boses na yun. Hanggang sa may nakita akong babaeng napaka ganda, nakaputi syang dress, napakaamo ng mukha nya.




"Sino ka? At nasaan ako?"tanong ko dito.




"Maligayang pagdating mahal na prinsesa, matagal na kitang hinihintay."sabi nito sakin.




"Anong ibig mong sabihin?"sabi ko.




Matagal na hinintay? Ang gulo, nasaan ba ko? Ang alam ko ay biglang sumakit ang ulo ko, at nawalan na ko ng malay.





"Nandito ka saaking tahanan, ito ang Goddess's Palace. At ako din si Almira, Goddess of All."sabi nito.




"Bakit ako nandito? At pano ko napunta dito?"tanong ko dito.




"Napunta ka dito dahil ginamit ko ang panaginip mo, upang makausap kita."sabi uli nito.




"So nananaginip lang ako?"sabi ko dito.



"Wala kang malay ngayon, pero ang diwa mo ay dinala ko dito."sabi nito.




So tulog ako sa totoong mundo? Ano kayang nangyayari dun.




"Iyon lang din ang nakikita kong paraan para makausap ka."sabi nito.





"Ano bang sasabihin mo?"tanong ko dito.





Parang napakaimportante kasi ng sasabihin nya, saka isang goddess of all, kinakausap ako? So unbelievable.




"Dinala kita dito, upang balaan ka. May darating na nagpapanggap na ikaw, kukunin nya ang lahat ng nasayo, pwera lang sa dalawa, sasamahan ka nila papunta uli dito. Dito mo matututunan ang lahat, babalik ka pa prinsesa. Nalalapit na ang digmaan prinsesa, hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, dahil maraming nagpapanggap."sabi nito sakin.





"Naguguluhan ako, anong ibig mong sabihin? Saka bakit ako lang sinasabihan mo nito?"sunod sunod kong tanong.




"Malalaman mo rin sa tamang panahon prinsesa, magiingat ka."sabi nito.





Unti unti syang naglalaho, anong nangyayari? Tinry kong habulin ito pero nawala parin sya. Anong ibigsabihin nya? Ang dami kong tanong na hindi nya pa nasasagot. Bakit ako lang sinasabihan nya nito? Anong ibigsabihin nyang may magpapanggap bilang ako?






Maya maya pa ay bigla na lang dumilim, at parang may humihigop saakin.




***REALITY***

"Windle!! Balik mo yung piatos ko!!"sigaw ni shine.



Sh*t ba't ang ingay? Kitang nagpapahinga yung tao dito eh, hello? Sino yun? Sisiguraduhin kong hindi na sya sisikatan ng araw.




Akademia of Magikòs - The long lost princess of Ischyròs kingdom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon