Yeah! He found a six-shooter gun in his dad's closet, with the box of fun things.
I don't even know what, but he's coming for you. Yeah, he's coming for you!
NATIGILAN si Mish sa naririnig. Kanina pa tumutunog ang kakaibang musika mula sa cellphone ng kapatid niya. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit pakiramdam niya ay narinig niya sa kung saan ang musikang iyon.
Kahit abala sa paggawa ng thesis niya ay lumapit siya sa kapatid na si Myco at tiningnan ito ng seryoso. Tulala kasi si Myco at animo'y nakatingin sa malayo, mukhang napakalalim ng iniisip nito.
"Problema mo ba, ate?" iritang tanong ni Myco kay Mish na ngayon ay hawak-hawak na ang cellphone na kanina lang ay nakalapag sa sofa.
"Anong title ng pinapakinggan mo?" seryosong sagot niya sa kapatid. Ngumisi naman ang bunsong kapatid at tinaas ang kilay nito.
"Pumped Up Kicks. Bakit ate? Gusto mo na rin bang pumatay?"
Nanlaki ang mga mata ni Mish sa narinig. May kung ano sa kapatid niya. Kahit alam niyang biro lang ito ay kakaiba ang nakikita niya sa mga mata nito.
All the other kids with the pumped up kicks, You better run, better run, outrun my gun.
All the other kids with the pumped up kicks, You better run, better run, faster than my bullet.
Pagkatapos marinig ng chorus ay saka niya naalala ang tunog na narinig nila sa Audio Visual Room. Ganitong-ganito ang tempo noon.
"U-umayos ka nga! Bakit naman ako papatay? Ano bang meron sa kantang 'yan?" usisa niya sa kapatid.
"Gusto mo ba talagang malaman, ate?"
"Kaya nga nagtatanong eh," pa-asik na sabat niya. Nakita ni Mish ang pag-iling ng kapatid. Ilang minuto muna silang nagtinginan bago nagkwento ang kapatid niyang si Myco.
ILANG tawag na ang ginawa niya kay Angelo ngunit hindi man lang ito sumasagot. Gusto niya sanang ikwento sa kaibigan ang nakuhang impormasyon, maaari kasing konektado ang kantang Pumped Up Kicks ng Foster the People sa malagim na nangyayari sa barkada. Napag-alaman niyang tungkol ito sa isang batang nagngangalang Robert na pinatay ang mga studyante gamit ang baril na nakuha nito sa cabinet ng ama.
Ilang araw na ring hindi nakalalabas ng bagay dahil pinagbawalan siya ng mga magulang sa takot na baka si Mish na ang sumunod dahil iniisa-isa ang barkada nila.
"Ano ba, Angelo...sumagot ka naman!" sigaw niya sa cellphone. Hindi sumasagot ang kaibigan. Sa inis ay halos maibalibag niya na ang cellphone sa sahig. Ngunit nang maalala si Benedict ay ito naman ang tinawagan niya.
BINABASA MO ANG
Belleza Perdida
HorrorAn official entry for Wattpad Literati's Final Round. This is under Horror and Mystery/Thriller Category.