Cuatro

451 18 8
                                    

MAHIGIT isang oras muna ang pinalipas ni Angelo bago tuluyang marating ang dorm ni Erika. Kung tutuusin ay isa’t kalahati dapat ang tagal ng biyahe niya, pero dahil nagmamadali siya ay nakuha niyang makarating ng mas maaga pa sa inaasahan. Ngunit huli na ang lahat dahil sa kanyang pagdating, hindi na nakapaghintay ang taong ililigtas niya.

Pagkapasok na pagkapasok niya pa lang sa loob ng gate ay kitang-kita niya na ang mga nagkakagulong studyante sa loob, dinig na dinig niya rin ang ingay na nagmumula sa loob. Doon pa lang ay kinutuban na siya. Dali-dali siyang umakyat papunta sa kwarto ni Erika at tama nga ang hinala niya, marami nang tao and nandu’n.  Andu’n na rin ang barkada ngunit wala siyang lakas ng loob para lumapit sa mga ito. Kumukulo ang dugo niya, lalo pa’t alam niya kung sino sa kanila ang may kasalanan ng lahat ng ito.

Tiim-bagang niyang nilampasan ang grupo habang matalim na nakatitig sa kaibigang may kagagawan ng lahat ng ito. Nanggagalaiti man ay pinili niyang ‘wag munang maningil ngayon. Mabilis siyang pumunta sa kinalalagyan ni Erika, ang kaibigang kahit sa huli ay nagawa pa ring bigyang-linaw ang lahat. Masama man ang ugali nito, hanggang sa huli ay kapakanan pa rin nila ang iniisip nito.

Hindi na napigilan ng binata ang maluha nang makita ang kalunos-lunos na nangyari sa dalaga. Tunaw na ang mukha nito, halos makita niya na ang bungo dahil sa ginawa ng asido na dumaloy sa bibig nito. Wala na ang maganda nitong mukha na laging ipinagmamalaki ng dalaga.

Napalingon siya sa mga kaibigang nakaupo sa sofa ng kwarto ni Erika. Umiiyak si Mish at Jessica. Tahimik lamang sina Jun at Benedict. Kuyom ang palad na lumabas ng kwarto si Angelo. Hindi niya maaatim na makipagplastikan pa sa taong gumawa ng lahat ng ito.

“Sandali, sa’n ka pupunta?” tanong ni Mish sa kanya.

Irap na lamang ang sinagot niya sa dalaga at dali-daling tumakbo palayo sa lugar na iyon.

LIMANG araw matapos ang malagim na nangyari kay Erika, hindi na nagawa pa ni Angelo ang magtimpi. Tatlong buhay na ang nawawala at hindi niya maintindihan kung bakit iniisa-isa ng suspek ang mga kaibigan niya. Gusto niyang maintindihan ang kaibigan. Pero kahit ano mang pilit niyang i-analisa  ang mga bagay-bagay ay ‘di niya pa rin makuha kung bakit pumapatay ito.

Pasado alas kwatro ng hapon nang mapagpasyahan niyang sugurin ang salarin. Yaman din lamang na nabigyan na siya ng kasagutan ng magaling na imbestigador nang tumawag ito kaninang umaga, hindi niya na sasayangin ang panahon. Kinakabahan man ay mabilis niyang napindot ang doorbell ng bahay nito. Matagal bago lumabas ang tao sa loob.

"Angelo, ba't napadpad ka rito? Anong atin? Tara, pasok ka," nakangiting sambit ng kaharap kay Angelo. Tiim-bagang siyang tumalima, pumasok siya nang wala man lang ni isang katagang sinambit.

Nang makapasok ay umupo si Angelo sa sofa ng sala. Isang tipikal na bahay lang din naman ang tinutuluyan ng kaibigan niya. Ngunit napansin ni Angelo na walang kasama ang kaibigan, tulad ng lagi nitong kinekwento na wala raw itong kasama sa bahay dahil matagal nang namayapa ang mga magulang.

Belleza PerdidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon