Seryuso. Di ako nkatulog. Di ako mkaget-over na yung hudlom na pkakasalan ko eh yung walang modong alien na bumangga sa 'kin sa CR ng pasosyal na RED na yun. Last na nacheck ko yung oras, eh 3am na. Di kaya masaniban ako neto? Kaya yun pinilit kong mkatulog. Parang effective nman.
Naririnig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. I'm still half asleep. Ayaw dumilat ng mga mata ko, kaya itong si brain akala eh pnaginip. Ngulat nlg ako ng ginising ako ng sobrang intense ni Mother Nature.
"Iha, you wakey na." sabi ni Mudra. "Po?" sabay tingin sa relo. "Mygaaahd mother ha? 6am pa lng. Tsaka Linggo plng, di pa Monday. Wala akong pasok. Antok pa po ako." Humiga ulit.
"Wag na mag'inarte. Ganda mo oh." Tumawang sabi ni Mommy. "Alam ko na yun!" pakapalan na 'to eh. Hahaha. "Mommy, tulog muna ako ha? Please?"
"Anak." sambit ni Mommy ng biglang.
"Future Wife, 18 kna. Si tita pa rin gumigising sa'yo?" tatawa-tawang sabi ng malademonyong boses. Bigla akong npaupo sa kama ko.
"Hoy! Teka, teka, teka ba't ka andito?!" galit na bungad ko sa knya.
"Maiwan ko muna kayo ha? Hihi" bagets na sabi ni Mommy sabay alis.
Umupo si Wizard sa may paanan ng kama ko. "Hep, hep. Sinabi ko bang pumasok at umupo ka diyan?"
"Pinapasok ako ng Mommy mo, kaya wala knang mgagawa. At tsaka bumangon at magbihis kna nga dyan. Aalis pa tayo." sabi nya sa 'kin.
"Whoa there! Dinner pa tayo magkikita, chonggo ka! DINNER. Naiintindihan mu yun? 6am plng. Oras plng ng breakfast. Hindi dinner. Kaloka!" ang npakasarcastic kong sagot.
"Magsisimba kasi ako, future wife. Sabi ni Mommy, isama kita. Wala akong shoice kaya bumangon kna at magbihis dahil kung hindi, ako na magpapabihis sa'yo." then he smirked.
Tinapon ko ang unan sa knya, "Hoy, hudlom na manyak! Lumabas ka dito kung ayaw mong mawalan ng isa pang umaga sa buhay mo!!!"
"Easy. Joke lng!" agad na bawi nya. "Eh, lumabas ka na nga at maliligo ako!"
"Ayoko. Manonood ako ng tv dito sa kwarto mo. Hahahaha." sabay kuha ng remote at pinaandar ang tv ko sa kwarto.
"Psh. Goodluck to me." pabulong kong sabi at dumeretso sa banyo sa labas upang maligo at dun na magbihis.
Pagkatapos kong magbihis. Tinawag ko na siya at agad din nman siyang tumayo at bumaba kami sa sala. Pinagpaalam nya ako kina Daddy. At tuwang tuwa ang mga magulang ko sa 'ming dalawa. OHMEGAHHHD. Drtaso agad kami sa simabahan at naghari ang katahimikan sa aming dalawa.
An hour passed..
Natapos na yung mass. Lumabas na kami sa simabahan. Tuwang tuwa ako kasi aside na nkasama ko si God, mkakauwi na 'ko at mkakatulog.
"Gutom kna?" tanong ni future hubby. "Oo nman." Walang hiyang sagot ko. Hahaha, shet! Ganyan ako eh. Di ako pa-girly. :)
"Kain tayo!" Sabay hila sa 'kin. May kakainan sa labas ng church. Simple lng. Malayong-malayo sa RED. Kaya ayun, siya na yung nag-order. At kumain kami and then me izzz so busog. Nang bumalik kmi sa kotse nya.. "San tayo?" tanong nya.
"Uuwi. Antok pa ako. Tara." dali kong sabi.
"Maya kna umuwi. Para nmang aanuhin kita. And besides, pagagalitan ako ni Mommy kpag umuwi na ako. May dinner pa tayo dba?" Sabi nya.
"Whyyyyy? Buti sana kung alert ako eh. Ang bigat na netong eyebags ko, di pa ako mkakabawi ng tulog." pabulong kong sabi.
"Ano sabi mo, Raigel?" tanong nya. "Ay wala. Bhala kna nga kung san ka pupunta."
So ayun, nagsimula siyang magdrive sa di ko alam kung san papunta. Alam ko nman na wla siyang gagawing msama kaya tumahimik na 'ko. Tsaka masyado akong inaantok pra magtanong2.