*kriiiiiiiiing! alarm clock* *plays war soundtrack here*
What the? 6:30 am na, ambilis naman. Parang isang minuto lang ang nakalipas since pumikit ako. *Streeeeeetch* Haaaay! Ano bang nangyari kagabi? Siguro hangover nanaman ako (kaiinom ng aking gamot sa asthma), hayst.
*knock knock knock* "Clarisse! Anak! Gumising ka na, pupunta pa tayo ng simbahan mamayang alas nuebe." 'Yan pala si mama ko, ang pinaka-maingay -daldalera -bolera -astig -maarte -palaban -mabait kong best friend. Charing mother ko 'yan. Maingay noh? "Opo ma, maliligo muna ako..."
~ting-ding-ding Hoy Bakulaaaaaw! ting-ding-ding~
Ano ba yan, umagang umaga, nagtetext agad.
"Hoy Bakulaw, gandang umaga. Puwede ka mamayang hapon, laro tayo ng basketball o hindi kaya'y biking tayo. May ish-share ako sa'yo. Pls text back. Bakulaw ka" Hayst, ayan si Edward, ang bakulaw kong kakambal. Namatayan kasi ako ng kapatid, twin sister to be specific nung 2 years old pa ako dahil sa asthma. At ewan ko ba kung bakit ako ang natira, at hindi siya. Kaya heto, utang na loob ko sa Diyos ang buhay ko kahit minsa mahirap dahil sa asthma. By the way, ayan naligo na ako, at as usual 30-45 minutes ako naliligo. Sige lang, Sunday naman ngayon 'eh. Lumabas na ako ng kuwarto.
"Ay, Ate Darling, napaliguan mo na ba si Charity? (Aso ko na Pitbull)" Ayan si Ate Darling, simula nung sanggol pa ako siya na ang naging katulong namin. "Hala, pasensya na Cla pero nakalimutan ko 'eh. Andami kasing pinapagawa sa'kin." "Nako, walang problema ate, ako nalang magpapaligo sakanya bukas tutal wala namang pasok."
Pagkatapos namin kumain, nagbihis na kami nina mama Ming at Papa Ping. Weird noh? Pero 'yan tawag ko sakanila. Parang barkada lang.
Natapos na ang mass nang biglang may kumalabit sa'kin. "Hoy bakulaw!" Si Edward pala 'yon. "Aba, andito ka rin pala. Kasama mo sina tita at tito? Oy, libre mo naman ako ng fishball o hindi kaya'y kwek-kwek, pleaseee!" O diba, ganyan kami. "Ayun oh, magkasama na silang apat. Tara na nga, bakulaw ka talaga. Mamaya ka na kumain."
"Hijo, Clarisse, doon na tayo magkita sa bahay. Sabay-sabay na tayo magla-lunch. Birthday kasi ni Lola Ester." Sabi ni tita Jai, mom ni Edward.
See? Gano'n ka-close ang family namin sa isa't isa. Halos magkapatid na nga kami ni Edward. Naging mag-best friend lang naman kami nung 5 years old pa kami, bago kasi silang lipat sa subdivision tsaka siya agad napansin ko kasi medyo girlish. Mahilig siya noon sa stuffed toys 'tas ako naman mahilig sa mga toy cars.
"Oh diba may usapan tayo mamayang hapon?" Pabiglang sabi ni Edward. "Hayst, oo nga pala. Pero hindi ako masyadong magpapapawis ha, baka aatake nanaman 'tong hika ko."
Nagbiking nalang kami ni Edward sa subd., "Bakulaw, ano bang alam mo sa pag-ibig?" Hala, nagtanong ang g*go. "Aba'y malay ko. Basta minsan sasaktan ka lang niyan, paaasahin. Parang UFC lang, magiging si Silva ka lang, kaso hindi binti ang mababali sa'yo kundi puso." Pabara ko namang sagot.
Edward's POV:
Hay nako, ano 'bang nagyayari sa'kin? Para akong t*ngang nagtatanong ng 'love' kay bakulaw. Halatang wala naman itong alam sa buhay pag-ibig. Pero hindi 'eh, mahal ko talaga 'yung babae. Halos magi-isang buwan na. Nahihiya naman din akong amining kay Clarisse baka pagtawanan uli ako. Pero sige na nga.
"Bakulaw, may tanong pa ako..."
"Ano nanaman 'yon?"
"Kilala mo ba si Trisha? Trisha Dela Cruz?"
BINABASA MO ANG
How To Make Her Fall in Love
Teen Fiction*Hello hello hello :D This is my very first story here on Wattpad. So please bear with me guys, lahat ng ito ay kathang isip lamang. Pasensya na po if may wrong grammar, misspelled words, etc etc etc. I'm still learning guys soooo watevz.* Lahat ba...