Chapter II : Ang mga hakbang

21 1 0
                                    

Edward's POV:

'Good morning bakulaw, gising na. Saan ka ngayon? Punta ako sa bahay niyo mamayang lunch, diyan ako kakain. HAHA' *send (10 times)*

Haha, ewan ko ba kung ano na ang ginagawa ko sa buhay. Halata naman na hindi ko gaanong kinukulit si Cla kapag wala akong kailangan. Oo na, ako na 'yung kaibigang lumalapit lang sa bespren kapag may kailangan. 'Di bale, ganon din naman siya, haha patas lang kami. *phone beeps*

'Hoy g*go, gusto mo Putong Masarap? Special 'to, with hot suka na binudburan ng siling labuyo tas tinuslo sa mantika ng chicharon at binake sa uling. HAHA, ge, punta ka lang dito.'

'Nang-aasar ka ba? Sayang may pasalubong panaman ako sa'yo...' Ayy, delete delete delete, surprise na. BWA-HAH-HAH-HAH *evil laugh*

Okay, medyo baliw ako minsan. Pagbigyan niyo naman oh.

Clarisse's POV:

Agang-aga, binubwesit na ako ng kumag na 'to. Humanda lang kapag andito na 'yun.

"Clarisse, aalis muna kami ng mama mo ha." -papa Ping

"Saan kayo pupunta Paps?"

"May pupuntahan lang kami dun sa probinsya, bibisitahin namin ang tiyo mo. Dito ka nalang muna baka mapagod ka sa biyahe. Susunod, sabay tayong bibisita don."

"Sige Paps, no problem. Ingat po kayo, ma ingat kayo! Pasalubong lang akin ha, mangga lang! Thanks!" *kisses*

Ako nanaman mag-isa sa bahay, wala si Ate Darling, nakikipag-date nanaman siguro kasi nakuha na ang suweldo. Hindi bale, may iniwan naman na pagkain sa mesa. Paliliguan ko nalang si Charity. "Alam mo Charity, anlaki mo na... *kuskos kuskos* noon kaya pa kitang buhatin pero ngayon hindi na... *nakakita ng garapata at pinatay* *kuskos kuskos* buti ka pa Charity, medyo matino kausap kahit hindi ka sumasagot blahblahblahblah"

*WOOOAH!*

"AY PALAKA! BA'T KA BA NANGGUGULAT?" Wala 'eh, nagulat ako 'eh! Si Edward pala 'yon.

"HAH-HAH! Fooled you! Ano bang meron? May pagkain ka?"

"Kuto ni Charity, gusto mo? Subuan pa kita?"

"Kung kuto lang naman ipakain mo, saluhan mo nalang ako"

Aba, nagawa pang magloko ng mokong na 'to. Halata na mayroon nanaman 'tong kailangan. "Oy bakulaw, patulong naman. Bigyan mo'ko ng steps para mas mapalapit kay Trisha" =____= 'yan mukha ni Edward. Pinakain mo muna siya (halatang gutom) at pinaliguan si Charity at ~taaaa-daaa~ tapos na. Ok

*PAK* binatukan ko ang bakulaw "Tingnan mo nga 'yang hitsura mo, oh! Ayan salamin." "Bakit? Anong masama sa hitsura ko? Pogi naman ako. Baby face, makinis, matangkad, matalino..." bigla kong pinutol ang istorya niya. "Oo nga, gwapong gwapo ka sa sarili mo, pero 'yang pananamit mo naman, napaka old-fashioned. 21st century na tayo ngayon, hello? Ayan pa, ang luwang ng pantalon mo, anlalaki pa ng shirts mo. Tas 'yang sapatos mo, ay ewan! Pakiramdam ko minsan ako pa 'yung mas lalake sa'yo."

How To Make Her Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon