Chapter VI : Mouth Open Open *O*

21 1 0
                                    

Clarisse's POV:

It's been 3 weeks since nakalabas ako ng mental hospital este hospital lang pala. Hakhak. Pina-rest muna ako ng doctor at least 3-4 weeks para maka recover talaga katawan ko, syempre nagpadala na rin sila ng letter sa school tungkol dito.

*inhale ~ exhale*

Whoo! Na-miss ko ang aura ng school kahit na minsan 'di ko feel ang mga students dito. Buti nalang andyan si bakulaw at ilang friends ko na malapit ko na rin ma-close.

"Hello Clarisse!" - Trisha

"Ate Clarisse! Namiss kita!" - Kuya John

"Hoy Cla! Antagal mong nawala, wala akong kachikahan!" - Bea

Ayan pala ang mga malapit ko na maging close na kaibigan. O diba? Napaka ganda ng bati nila sa'kin, daig ko pa ang artista, chos. Kasunod ko lang pala si Edward bakulaw, tas biglang... o_O nagbeso sila ni Trisha tas may hawak pa sa beywang... ano 'to?

"Ahem... may hindi ba ako nalalaman dito? Ano 'to, outdated na ba ako?" Sarkastika kong pagkasabi. Napa-nganga naman sina John at Bea. Napakamot naman sa ulo si Edward at ngumisi si Trisha.

"A-ah, bakulaw kami na pala si Trisha..." nauutal pang pagkasabi ni Edward. Parang nanigas pa ako 'nun. Hindi ko alam ang gagawin ko o magiging reaksyon ko. Naramdaman kong nagtagpo na ang dalawang kiloy sabay Mouth Open Open (nga-nga). Kulang nalang pumasok ang langaw sa bibig ko.

"A-aw. G-ganon ba?" Nauutal kong pagkasabi sa harap nilang apat. Nag-walk out ako at ewan kung bakit ko 'yun ginawa. Hindi ko ma-explain kung matutuwa ba ako, mae-excite, magagalit, malulungkot.

Matutuwa - kasi nakuha na ni Ed ang pinapangarap niyang babae.

Mae-excite - kasi may chance na magiging close kami ni Trisha

Magagalit - kasi 'di ko alam ang mga nangyayari

Malulungkot - baka makalimutan ako ni Ed.

Ano ba 'tong iniisip ko? Hayst!

Dumiretso nalang ako sa may garden ng school sa pinaka-dulong garden kung saan wala masyadong tao. Nagbuntong hininga nalang ako.

Edward's POV:

Ano bang nangyari 'dun kay bakulaw? Ba't nag-walkout bigla?

"Uy Ed, anong nangyari kay Clarisse?" Tanong ni John sa'kin.

"Hindi ko alam, brad."

"Nako, nako. Tsk, tsk." Tumakbo naman si John at sinundan si Clarisse. Dumiretso nalang kami nina Trisha at Bea sa room, tutal mataas pa naman ang oras. Alas-nuebe pa klase namin at maga-alas otso pa. Napaka aga.

"Uhm, Ed, hindi kaya nagalit si Clarisse sa'tin? I mean sa akin? O baka nagtatampo?" Nag-pout si Trisha habang nakatingin sa sahig.

"H'wag ka ngang mag-isip ng ganyan. Baka na-shock lang 'yun siya kasi tayo na. Kakausapin ko 'yun mamaya, baka umatake lang ang pagka-topak nun."

John's POV:

First POV ko 'to kaya sulitin na, hekhek. Ako pala si Aldrin John Tolentino, kaklase ko sina Ed at Clarisse since first year high school, hanggang ngayong college na. Friends lang kami, pero hindi kami magbabarkada.

Sinundan ko si Clarisse sa garden, nadatnan ko siyang naka tunganga lang. Tila ba napuno ng hangin ang utak, hayst.

"Uy... ate, okay ka lang?" tinabihan ko siya.

"H-ha? Hindi ko alam kuya..."

Kuya at Ate ang tawagan namin kasi 'nung na-ospital si Clarisse aksidente niya akong natawag na kuya kasi akala niya tito niya ako. Kahawig ko raw kasi tito niya kapag tumalikod. Kaya ayun niresbakan ko rin siya sa tawag na ate. Psh daldal naman.

"Alam ko parang mabigat 'yang dinadala mo. Sabihin mo lang." tumingin siya sa'kin. Parang napupuno ng luha ang mata niya. Kinabahan akong bigla, dapat si Ed ang nandito, hindi ako.

"K-kuya... John... Bakit ganito?" Dahan-dahang tumutulo ang luha niya. Inabot ko ang panyo ko sakanya.

"Diba dapat masaya ako para kay bakulaw? Bakit parang ambigat dito *sabay turo sa puso niya*? Bakit parang hindi ko tanggap?" Tumutulo ang luha niya pero nakatingin siya sa isang direksyon lang. One Direction ata peg ne'to. 'Di ko alam anong isasagot sakanya.

"Ganito ba talaga? Bestfriend ko si Ed since... di ko na matandaan *ngumiti pa*. Pero diba dapat maging masaya ako para sakanya? Kasi nakahanap na siya. Pero parang mali o hindi kaya'y masyado lang mabilis ang mga nangyayari. Bakit...?" nawala na ang luha sa kanyang mga mata at ngumiti na sa'kin. Medyo gumaan narin ang nararamdaman ko.

Tumayo na siya at sumunod naman ako. Biglang niya akong niyakap O_O*

"Salamat kuya sa pakikinig sa'kin kahit hindi mo'ko sinasagot, hehe" Oo nga naman. Niyakap ko rin siya.

"Basta ate, andito lang ako para makinig sa mga problema mo. Maging masaya nalang tayo para sa kanila. Tutal mas mahalaga ka parin naman kasi ikaw ang totoong bestfriend at mas malalim ang pinagsamahan niyong dalawa." Ngumiti siya't tumawa na. Balit ata 'tong babaeng 'to eh. Anlakas ng trip.

Bumalik na kami sa room.

Trisha's POV:

Bumalik na sina John at Clarisse sa room. Andito naman kaming tatlo nagku-kwentuhan. Bigla akong niyakap ni Clarisse sa likod 'I'm happy, masaya ako para sa inyo. Ingatan mo ang bestfriend ko ha. Matigas ulo niyan, pagtiyagaan mo lang." Natatawa pang sabi niya. Tila ba tinanggalan ako ng tinik sa dibdib.

"Hoy bakulaw! 'Wag mo saktan si Trisha ha! Napakanda pa naman ne'to, uupakan kita kapag pinaiayak mo 'to!" Ngumit siya kay Ed.

"Ano ka ba, kaya nga niligawan para pasayahin. Antanga naman siguro kapag sasaktan lang. Psh." Tumataas pa ang kilay ni Ed. Ankyut tuloy nilang tingnan, parang magkapatid lang talaga.

How To Make Her Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon