Chapter IV : Change + s = CHANGES!

38 1 0
                                    

Clarisse's POV:

*yaaawn*

*klase*

*klase*

*hikab*

*hikab*

*head bang*

*tinapunan ng eraser ng prof*

*nagising*

"Aray naman, tss" ano ba 'tong prof namin, napaka-boring pa naman ng subject, haist! "Miss Perez, umagang umaga, inaantok ka! Saan ka pala kagabi? 'Yan kasi, unahin ang pag-aaral hindi 'yung kung ano-ano lang." Nuks, sorry naman ser, sadyang andami lang ng projects 'eh. "S-sorry po, sir. Hindi na po mauulit."

*uwian na~*

Ba't ba parang whole day ako inaantok? Kumpleto naman tulog ko kagabi tsaka nakapag-kape ako kaninang breakfast at lunch. Ano ba 'to, daig ko pa ang babaeng naglilihi. "Bakulaw!" inakbayan ako ni Edward, ambigat panaman ng braso, tsk.

"Bakulaw, uwi muna ako ha? Medyo hindi maganda pakiramdam ko ngayon 'eh. Parang nahihilo ako." Syempre marunong din ako magdrama noh, ha-ha. "Ha? Anong nangyari sa'yo? Kaya pala parang matamlay ka kanina sa klase, pinagalitan ka tuloy. Sige, kaya mo bang umuwi mag-isa?" tanong ni Ed sa'kin. I nodded. "Kaya mo naman pala 'eh, next time nalang kita sasabayan, may pupuntahan pa kasi kami." Ano raw? Kami? Sino naman kaya 'yung kami?

"Edward~" teka, kilala ko 'yung boses na 'yun ah. Whaaat?! Si Trisha? Si Trisha ang kasabay ni Bakulaw, b-bakit paano? "Charisse, lakad muna kami ni Trisha ha? Magpagaling ka, itetext nalang kita mamaya. Update moko." At tinawag pa akong Charisse? Anong kalokohan 'to? Mas lalong sumama pakiramdam ko, eee =.='

Bakit ganito nararamdaman ko? Ba't parang hindi ko maintindihan ang mga nangyayari ngayon? Tinawag ako ni Bakulaw kanina ng Charisse lang? Hindi niya ako sinabayan, hindi siya sumasama sa'kin tuwing break time, hindi niya rin ako hinatid pauwi at wala pa siyang text sa'kin. T-teka lang ha? Ba't ganito nararamdaman ko? Erase erase!

Trisha's POV:

Hello hello! First POV ko 'to, kaya sulitin na. Chos!

I'm Trisha Marie Dela Cruz, my friends call me Trisha, Trish, Sha-sha but my family or parents call me Marie o hindi kaya'y MARIA! kapag galit sila, heh-heh.

Hindi ko 'to inexpect, pero nagyaya si Edward sa'kin na pumunta ng restaurant para kumain, kahit merienda lang. Actually hindi kami ganoon ka-close ni Ed but I'm starting to admire him. Magkaklase na kasi kami nina Ed at Clarisse since First Yr High School, pero ayun nga parang wala lang. Naiilang kasi ako sakanilang dalawa, aside sa close talaga siya, matatalino pa. Ako naman, hindi ganoon katalino pero with all fairness kasali ako sa top 10. Okay masyado na akong madaldal.

Napansin ko na last month nag-iba ang hitsura ni Ed, let's say na-attract ako sakanya. Since then parati niya akong pinapansin. Naramdaman ko nga na confident siya, hanggang sa text, chat, telebabad, chikahan sa classroom at kung minsan pa'y sabay kami nagla-lunch.

'Trisha, anong gusto mong kainin?" tanong ni Ed, andito na kasi kami sa restaurant. "Kahit ano lang. Hindi naman ako mapili." Parang komportable ako kasama si Edward, hihi.

"Ed, ba't mo ba ako inimbitahan na kumain?"

"H-ha? W-wala lang! Para naman mas makilala kita."

"Ahh, sige. Malapit na mag alas sais, uuwi na ako Ed ha? May curfew kasi."

"Sige, ihahatid na kita Trisha."

Edward's POV:

Spell S-U-C-C-E-S-S. Eto 'yung nararamdaman ko. Feel ko nasa cloud nine ako, sabay kami kumain ni Trisha, nagkwentuhan, tawanan pa kami. Parang achievement ko na rin na napatawa ko siya sa mga jokes ko na alam ko namang corny. Thanks God!

Ay tama, si bakulaw pala. *Dialing... Bakulaw*

"Bakulaw, kamusta ka na? Mabuti na ba pakimramdam mo?'

[Hindi, eto nakaratay ako, chos. Magpapa-check up kami ni mama bukas, nasa 39C temp ko]

"ANO?! Teka, hintayin moko, pupuntahan kita!"

[Naka shabu ka ba? Anlakas ng ulan oh, tas pupunta ka pa dito. 'Wag na, baka naabala pa kita]

"Baliw ka talaga kahit kailan. Ansarap mo ihampas sa pader at buhusan ng isang kilong ice. Nasa harap na ako ng gate niyo."

[Letse, baliw. Ge na, tutulog muna ako.] *toot toot*

Binabaan panaman ako? Biglang kong hinarurot ang sasakyan, galing ako kina Trisha at ngayo'y papunta kay Bakulaw. Ano na bang nangyayari dun? Hay, ayoko mag-alala lalo na sakanya, nahihirapan ako makita ang bakulaw ko na nagkakasakit. Kahit na nasanay na kaming maglabas-pasok siya sa hospital.

*booogsh!*

"Bakulaw!" Pasensya na pero binigla kong buksan ang pinto ng kwarto ni Clarisse.

"Ay kalabaw! Natutulog ako 'eh, istorbo ka talaga! Haist!"

"Anong istorbo?" umupo ako sa tabi niya, hinawakan ang noo. Ano ba 'yan, kulang nalang umusok na 'tong si bakulaw sa sobrang init. "Ayan kasi! Masyado kang nagpabaya!" pinagalitan ko siya. Tumahimik lang si Clarisse, nagtataka ako. Nakapikit siya, tila wala siyang malay.

"B-bakulaw?" Pinilit ko siyang magising.

"Huy, Clarisse... Bakulaw, gising..." kinakabahan na ako. Ba't hindi siya gumigising? Hinawakan ko ang noo niya, mas uminit siya.

"Bakulaw! Gising oyy!" pilit ko siyang ginising. Wala talaga.

Dali-dali akong bumaba ang tinawag sina tita at tito. "Tita, Tito! Si Clarisse hindi gumigising!" "Ano?! Ipa-ready mo ang kotse!" Rattle na pagkasabi ni tito kay tito habang umaakyat sa taas.

Nadatnan namin si Clarisse na nagkukumbulsyon. Hindi kami mapakali, masyadong malakas ang ulan. Sinabayan pa ng ganito, bakit?!  Binuhat ko siya pababa at isinakay sa kotse. Agad naman kaming nakapunta sa hospital.

*After 3 hours*

"Doc, ano pong nangyari sa anak ko?" Tanong ni tita sa doctor habang nangiyak-iyak. Si tito naman pilit na pinapakalma si tita. Dumating na rin sina mama at papa sa ospital.

"Hindi pa namin masasabing settled na ang anak niyo misis. Malubha ang dengue niya, as for now 10 nalang ang bilang ng platelette niya, at may posibilidad na bababa pa ito." Bumuhos ang luha ni tita at tito. 'Di ko narin napigila ang sarili ko, hindi, umiiyak na ako. "But we're doing our very best to save your daughter. We will go here every 3 hours to check her. Mauna na ako."

Pumasok na kami sa private room ni bakulaw. Parang hindi ko kayang tingnan siya na nasa higaan, at may mask. For sure marami nanamang komplikasyon si Clarisse ne'to. Tumutulo parin ang luha ko, pero pilit ko itong pinipigilan.

Natutulog pa si Bakulaw...

How To Make Her Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon