Clarisse's POV:
Naglalakad kami ni Edward sa mall, tas ayun andami nang nakatingin sa amin. Ay sakanya lang pala, pft.
'Di ko nabanggit, business partners ang parents ni Ed, at sa amin 'tong mall. So discounted kami sa lahat ng items dito, hindi na masama. He-he.
"'Wag mo ifeel na gwapo ka..." sabi ko "... mas gwapa parin ako sa'yo. HA-HA" *pakk* binatukan ako ng bakulaw!
Pumasok kami sa Bench, Penshoppe, Gerbaud, Payless (para raw makamura char), Giordano, Oxygen, Artwork, Forever 21, Aeropostale... nakakatamad ibanggit isa isa. grrrr hala, tunog 'yan ng tiyan ko. Nakakagutom na!
Edward's POV:
Ano ba naman 'tong si bakulaw, halos lahat na ata pinasukan namin. Hays, pagbibigyan ko 'to ngayon, libre niya naman 'eh.
grrrr teka, kay bakulaw ba 'yun? Baboy talaga! "Oh, gutom ka na? Tara kain nanaman tayo, kapagod na rin eh." Maypagka gentleman din ako noh, mabait ako eh. Pumunta kami sa Krispy Kreme at nagtake-out ng dalawang dozen 'tas pumunta kami sa starbucks at nagtake-out na rin ng kape. Nakakaumay na sa mall, doon kami sa bahay nila bakulaw kakain.
"Bakulaw..." sabi ko.
"Oh? Ano nanaman kailangan mo?"
"Bakulaw... may pick-up line ako."
"Kung korni 'yan, itigil mo na."
"Hindi, promise. 'Ge na."
"Sige..."
"Baboy ka ba?"
"Bakit?"
"Baboy ka lang talaga." *booogsh!* "Aray naman! Ba't mo 'yun ginawa?" napasimangot ako pero natatawa. "Aba'y akalain mo 'yun? Marunong mambatok ang baboy?" Psssh, balit talaga 'tong babaeng 'to. May topak minsan, ay mali, may topak talaga! *evil laugh*
*Sa bahay nila Clarisse*
Clarisse's POV:
Bente! Naka-ilang insulto na ako kay Ed ha, hintayin niya lang na makakaganti ako. MWAHAHAHA! Pero 'di ako alam pano mag pick-up line 'eh, hindi kasi ako pick-up girl. Lolwhut? Baliw talaga.
Pagkatapos namin kumain ni Ed naglaro kami ng videogames, online games, nood anime, nood ng...
Powerpuff Girls *nyaaaaaaaaaaaaa~* ghad. May klase pa pala bukas, ge =.=
Author's POV:
Si Clarisse at Edward, college na silang dalawa, first year to be exact. And as usal, magkaklase nanaman for almost 10 years. Himala nga't hindi nagsasawa ang dalawa sa isa't isa, panay ang asaran, minsan lang naglalambingin. Bihira lang 'yun mangyari kapag mayroong pagkain. Business Management ang kinuha ng dalawa.
Clarisse's POV:
Nasaan na ba 'yung bakulaw, mabigat kasi ang katawan kaya mabagal kumilos. Hayst, 7 na oh, 7:30 pa naman klase namin. Sabi niya dito na kami sa school magkikita. Ambagal!
"Uy, new student ba 'yun?"
"Ewan ko, pero napakagwapo niya!"
"Uggggh, crush ko na siya, promise!"
"Napaka-charming niya! Napaka-pula ng lips. Kyaaa~"
Aba'y anlalandi naman dito sa school, sus para sa lalake lang ganyan na sila. Bakit kaya, 'di ko ma-imagine sarili ko tumitingala sa kalalakihan, kasi lalake din ako. Dejoke, pusong lalake lang pala. How sad. Pero sino ba 'yun? Makipag tsismisan nga.
Nang papalapit ako sa crowd, bigla kong napatulala. S-si Edward ba 'yun? Bakit ganyan itsura niya?! Andami tuloy tumitingala sa kanya. Hindi ko namalayan papalapit na pala siya sa'kin.
"BOO! Hoy ba't ka tulala diyan?" nabigla ako sa pa-boo-boo ni Ed, parang kung sino.
"Ba't ganyan itsura mo? Mukha kang tao. NYAHAHA!" tinawanan ko siya ng malakas. Wala 'eh, hindi ako nakapag-pigil. Natatawa naman talaga ako, kasi first time ko siya nakitang ganyan. Haist.
BINABASA MO ANG
How To Make Her Fall in Love
أدب المراهقين*Hello hello hello :D This is my very first story here on Wattpad. So please bear with me guys, lahat ng ito ay kathang isip lamang. Pasensya na po if may wrong grammar, misspelled words, etc etc etc. I'm still learning guys soooo watevz.* Lahat ba...