BEING SAVAGE

288 4 1
                                    


Cheska – "Pahinging papel."
Hector – "Hindi ka ba nagdadala ng papel? Sana di ka na lang pumasok."
Cheska – "Sorry kung ganon. Wag kang mag alala, next time di ako papasok."
••••
Cheska –"Ang bilis ng pambabakod mo sa akin."
Hector – "Mabilis din naman kasi kitang nagustuhan."
Cheska – "Mabilis din yang mawawala."
••••
Hector – "Dito ka na matulog."
Cheska – "May room naman ako. Though, may kashare pero ayos lang ako don."
Hector – "Paano kung yung gago ang kashare mo?"
Cheska – "Does that change anything? Gago ka rin naman?"
••••
Cheska – "Pati ba kabayo sa rancho inaalagaan mo?"
Hector – "Oo."
Cheska – "Kaya pala pang kabayo ang hairstyle mo!"
••••
Koko – "May problema ba tayo?"
Cheska – "Wala. At walang tayo!"
••••
Koko – "Oopps, sorry!"
Cheska – "Ew. Jejemon."
••••
Janine – "Pag talaga pulitika, madugo."
Cheska – "Ah? Gusto mo mukha mo ang paduguin 'ko?"
••••
Janine – "Natatakot ako sa kambing!"
Cheska – "Edi bwiset kung ayaw mo ng kambing ay lumayo ka!"
••••
Janine – "Nakaka enganyong maligo dito, Hector."
Cheska (Sa isip) – "Oo nga, Janine. Actually, diyan kita lulunurin."
••••
Hector – "Alam mo bang nagugustuhan ko ang pagtataray mo?"
Cheska – "Ha? Anong nagugustuhan ang pagtataray? So ibig mong sabihin gusto mo si Kathy? Mukhang mataray yun!"
••••
Hector – "Nakiusap siyang samahan ko muna siya sandali. Ayaw ko kasi alam kong naghihintay ka na. Sumama siya sa akin pero nang dumating ako sa bahay niyo, wala ka na raw."
Cheska – "PUMUNTA KA PA? EH, LATE KA NA? ANONG AKALA MO SA AKIN? WAITING SHED? KAYANG MAGHINTAY? Hindi, Hector! Kung wala ka, iiwan kita!"

Jonaxx Story LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon