HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHA

471 0 0
                                    

"I TRIED BEING ELIJAH MONTEFALCO"
"I want a man like Elijah Montefalco." Basa ko sa post ni Claire.
Claire is my long time crush. I've been liking her for years. I stalk her dahil kumukuha ako ng idea para mapansin niya na ako. Sakto at pupunta kami sa kanila bukas. Mag kaibigan kasi yung mama niya at yung mama ko.
'Gusto niya pala yung mala-Elijah Montefalco ah.'
Agad akong nag-browse sa Wattpad at hinanap agad ang story ni Elijah. Madali ko rin itong nahanap dahil sikat pala itong story. Mabilis kong binasa ang kwento.
"Magkatunog sila ng pangalan ah."
Hindi ko binasa lahat dahil sobrang haba. At 3 seasons pa! Naghanap ako ng bed scenes pero tang*na, wala!
———
Nasa bahay na kami ni Claire. Nasa sala kami at kanina pa itong Mama ko at yung Mama niya na nagchi-chismisan.
"Uhm Tita, si Claire po?" Istorbo ko sakanila.
"Nasa kwarto niya." Sagot nito nang hindi tumitingin saakin.
"Sa'n po yung kwarto niya tita?"
"Sa may taas. Sa may pinaka dulo..."
Hindi na ako sumagot at agad nang umakyat. Sa hagdan pa lang ay pina-practice ko na ang mga sasabihin ko. Pagkarating ko sa kwarto ni Claire ay sarado ang pinto kaya agad ko itong kinatok.
"Claire, are you there?"
Pinaigting ko ang panga ko pero bigla akong napa- ubo dahil hindi ko pala kaya! 'Tang*na.'
"Claire, are you there?" Ulit ko pero wala pa ring sumasagot.
"Fuck Claire! Open this goddamn door! We need to talk!"
"Baby, are you mad at me?" Ginaya ko pa yung endearment ni Elijah pero tangina, wala pa rin!
"Baby please, open this door. I want to see you. I miss you so much, Baby."
Pinapungay ko ang mata ko pero para akong naiiyak!
"Baby please. If I did something wrong, I'm sorry. Now open this door."
Nag-antay ako ng ilang minuto pero no response pa rin. Alam kong nandoon siya dahil may naririnig akong ingay mula sa loob.
"Baby I know you're there. Sisirain ko 'tong pinto if you don't fucking open this door!" Banta ko pero hindi pa rin ito sumasagot.
"You're trying me, huh?"
'1, 2, 3.' Malakas kong sinipa ang pinto na gumawa ng malakas na ingay. Hindi pa rin ito bumubukas kaya pinagsisipa ko pa ito.
Narinig kong bumukas ang katabi nitong kwarto. Tiningnan ko ito nagulat ako nang lumabas doon si Claire. Si Mama at si Tita naman ay mukhang kanina pa nandito at nakita ang mga pinaggagawa ko!
"C-Claire?" Nauutal kong tawag dito.
Inirapan lang ako nito at mukhang naiinis dahil na-istorbo ko ata.
Bumaling ako kina Mama. "Tita, akala ko po—"
"Ang sabi ko kanina, yung pinakadulong kwarto ay yung kwarto ng kuya niya at yung katabi no'n ay yung kwarto na ni Claire. 'Di mo kasi ako pinatapos eh."
'Potang*na?'
Biglang bumukas ang pinto at niluwa doon ang kuya ni Claire!
"Hi Baby. 'Di ko alam na pupunta ka pala rito. Hindi tuloy ako nakapaghanda." Sambit nito at tumawa pa ng malakas.
'Tang*nang kahihiyan 'to! Tang*na mo rin Elijah!'
(c) LaxūsGrey

Jonaxx Story LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon