Grabi sila huhuhuhu :(

1.4K 9 0
                                    

"Manang mana ka sa nanay mo! Parehong pinipilit ang sarili sa taong hindi para sa inyo!"

"I know what you're doing with my son! Siguro nga ay tama sila at marunong ka ngang manggayuma."

"Pinapahamak mo ang anak ko! Ang pamilya namin! Pero makapal parin ang mukha mong pinipilit ang sarili mo rito!"

"Anak ka ng taong pumatay sa tatay niya! Your father violated me! And yet you are one insensitive girl still trying to find her way in the family! You are sickening!"

"Ni hindi ka marunong lumayo! Hindi ka marunong mag-isip ng tama at disente! Talagang pinipilit mo ang sarili mo! Bakit pa nga ba kami magtataka? Ganyang ganyan ang nanay mo! Kahit hindi gusto ni Hades, parang asong kating kati, tangang tanga sa paghihintay kahit sa konting atensyon!"

"Gaya ng hayop mong ama! Gaano man ako naging mabait sa kanya, wala paring iniisip kundi ang mga kababuyang paniguradong namana mo!"

"Akala mo ba nababagay ka rito? Given your history? You will never fit in here! You have no chance!"

"Pasensya na po..."

"Alam ko naman na mali ito dahil anak ako ng taong pumatay sa mahal n-ninyo sa buhay pero..."

"... ang hirap niya kasing iwan dahil... mahal na mahal ko siya."

"Bago po ako umalis dito, p-paki sabi po sana... huwag niya na akong hanapin. Tutal nahuli na si Papa. Paki... sabi na rin po..."

"Na pasensya na pero... ang hirap hirap niyang mahalin"

Jonaxx Story LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon