Chapter 28: Friends knows the Truth.

430 12 0
                                    

Kanina ko pa napapansin na tahimik si Feira. Simula nong nasa mansion niya kami hanggang sa police station ay tahimik lang siya at malalim ang iniisip.

"Wife? I don't like your silence. You want to have a lunch? You're hungry? "

Nilingon niya at umiling saka bumalik sa kung ano man ang nasa isip niya. Nakatulala lang siya.

I saw a restaurant and we stopped there. I parked the car and open the door for Feira.

"Saan tayo?" Tanong niya.

"Kakain muna tayo bago umuwi ng mansion." Sagot ko at lumabas na siya sa kotse. Pumasok na kami sa restaurant. The waiter guided us to our table for two. Pagka-upo namin ay nag-order na ako para sa aming dalawa. Habang naghihintay na dumating ang pagkain namin, nakatitig lang ako sa kaniya. Samantala ang tingin niya ay nasa baba.

Huminga ako ng malalim at nagsalita.

"Wife, what's with that face? Tell me."

Inangat niya ang tingin niya at tinitigan ako na may ngiti sa mukha.

"Ayos lang ako. Huwag ka ng mag-aalala pa sa akin."

" Paano ako hindi mag-aalala sayo. "

" Eh kasi Ced, iniisip ko iyong kanina. "

" Huwag mo ng isipin iyon. Mahuhuli narin natin siya. " Seryosong sabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa at hinimas-himas to.

"Everything will be alright, Wife." Sinisigurado ko sa kaniya. She will have her justice.

Maya-maya ay dumating na ang mga pagkain namin.

"I offer to you this food, Wife." Nakangiti kong sabi at ganon rin siya.

"Salamat!" Masigla niyang sabi at kumain na siya.

"Dahan-dahan naman!" Natatawa kong sabi at inabutan siya ng juice. Maya-maya kinuha ko ang tissue at pinahiran ang bibig niya.

"Hays. Ang kalat mong kumain." Sabi ko at kumain na rin ako.

Para kaming sira dalawa. Parehong puno ang mga bibig, nakangiti sa isa't-isa. Tawa kami ng tawa. Ngunit bigla lang kaming natigil ng may tumawag sa pangalan ko at lumapit sa amin.

"Lance? Feira?" Tawag ng kung sino. Si Jemea pala, kasama ang asawa niya.

" Nandito pala kayo?" Sabi ni Jemea. Hindi ako sumagot, si Feira naman ay busy sa pag-nguya. Kapag kumakain ito, hindi naiistorbo.

'Ano bang klaseng tanong iyan? Syempre nandito kami. Kayo nga nandito.'

"Hi bro. Can we join you guys?" Tanong sa asawa ni Jemea.

" Well, I'm Keyn. Jemea's husband and you are Lance. Jemea's childhood friend." Tumango lang ako sa sinabi niya.

" We're almost done. Uuwi narin kami."sabi ko sabay pahid ng tissue sa bibig ko. Hinihintay ko nalang si Feira na matapos kumain.

"What? Sabay nalang tayo. Doon rin ang punta namin pagkatapos naming kumain. Kaello called me awhile ago na nasa mansion niyo sila. They're preparing a party. You know, bonding."

" Did i allow those jerks to mess my house?"

" Alam mo naman ang mga iyon. Ang kukulit. Daig pa mga bata." Napairap nalang ako sa kawalan.

Ipinadikit nila ang mesa nila sa mesa namin. Kaya naging table for four na siya.

"It's good to know you, Lance. Who is she?" Tanong ni Keyn.

" My wife." Simpleng sagot ko. He was about to shake hands with Feira pero kinuha ko na.

"Yeah." Sabi ko sabay shake hands sa kaniya.

I Accidentally Married A Dead WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon