Chapter 4 : Ain't your Magdaleno

79 15 4
                                    

Sasha Sunflower Dela Torre



"Sasha may gustong humabol.." si Mama saka binuksan ang pinto.



Napahinto kami sa pagtatawanan habang kumakain ng pizza nang biglang pumasok ang isang lalaki sa pinto.


Matangkad siya, maputi pa sakim ang balat at makinis, hindi ata to tinutubuan ng ni isang tigyawat o bungang araw sa katawan dahil sa sobranh fair ng skin niya. Napakalinis niya sa white polo at white na rubber shoes.



Mapupungay ang mata niya, makapal ang kilay na sobrang nakaka-inlove. Mataas ang ilong niya at may mapupulang labi. Napaka natural ng mukha niya at fresh.



"It's been a long time Sasha." saka siya ngumiti sakin.



Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko kaya agad ko itong pinunasan ng namalayan ko ang pagbagsak nito, what the furr.



Nanikip ang dibdib ko sa presensiya niya, gumulo ang isip ko sa pagdating niya, may kakaiba akong naramdaman ng makita ko ulit ang mukha niya.



Tangina Sasha, mukhang may papatayin ka na naman.



"Jeremy.." rinig kong ani Alleene.



Tahimik parin kami at walang nagkikibuan pagtapos ng ilang segundo, ang awkward ng feeling habang nakatingin kaming lahat kay Jeremy na karating lang.



Tumayo ako saka ngumiti pabalik sakaniya "Kamusta na Jeremy?" halatang puno ng kaplastikan ang tono ng boses ko saka lumapit sakaniya.



Ibinigay niya sakin ang kamay niya pero hindi ko iyon tinanggap saka mabilis siyang niyakap, curse you.



Niyakap ko siya ng mahigpit na parang namiss ko siya pero hindi ko pinahalatang wala akong nararamdamang kahit ano ngayong kayakap siya.



Isang tao lang pala ang sisira sa araw ko.



"Buti naalala mo pa ako?" tanong ko sakaniya saka siya pinaupo sa katapat na upuan ko kanina. "Matagal tagal na rin" dagdag ko pa.



Nakita ko ang pagtayo ni Paul "Ah-eh alam nyo guys, kailangan siguro nating iwan muna sila Sasha dito para makapag-usap sil—"



"What?! No!" ani ko saka siya pinaupo ulit, nagkatitigan sila saka tumingin sa direksiyon ko "Wala naman kaming importanteng paguusap ni Jeremy."



Ang awkward.



"Sasha kamusta na?" nakangiting tanong niya sakin na parang inosente, dahilan na ikinaubo ko.



"Ako alam ko sa sarili ko magiging ayos din ako siguro hindi pa ngayon, ewan ko nalang sayo" sarkastiko kong ani. "Pizza Jeremy?" alok ko.



Hindi man lang ako iligtas sa awkward moment kay Jeremy nitong mga ungas na'to ang tahimik nila at halatang naiilang sila samin. Kahit ang mga galaw nila ay maliliit lang at iniiwasan pang makagawa ng ingay kahit kumakain ng crispy pizza, weird.



"Sasha pwede ba tayong magusap?" tch.



"Hindi pa ba tayo nag-uusap sa lagay na'to Jeremy?" saka ko siya nginitian ng peke, as in sobrang peke. "Hindi mo ba masabi sa'kin ang gusto mong sabihin sa'kin sa harap nila?"



Nanatili siyang kalmado at inosente bagay na ikinainis ko lalo, parang wala siyang pake sa atmosphere na ginawa niya pagdating dito sa loob ng bahay namin. "Alright, I'm sorry Sasha." kaswal niyang sabi. "I know may malaki akong kasalanan sayo lalo na't hindi ako nagpakita sayo simula nang mawala si Khael." he added.



Dear Little LiarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon