Chapter 9 : Latibule

71 11 8
                                    

Sasha Sunflower Dela Torre



“Sasha may kailangan ka nga rin palang malaman” nilapitan ako ni Paul at iniabot ang isang brown envelope. “Inutusan mo kaming i-background check lahat ng involve sa gulong 'to at nagulat kami ng makita 'yan.”



“What is it?” dali-dali kong binuksan at binasa ang papel na may naka bold na pangalan “John Kiefer McCain”



Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako sa mata “John is adopted. Hindi siya biological child ng mga McCain. Mister and Miss McCain are both barrens that's why they adopted John. This is probably the main reason why they used to  torture John, kase hindi naman nila ito tunay na anak” what the fu—rr?!



“Sa tingin mo ba alam na ni John na ampon lang siya?” I asked.



“I don't know Sasha..”



Tumayo ako at tinapik ang balikat ni Paul. “Thank you for giving me this information, Thanks a lot Paul.” saka ko siya nginitian.



“Sashaa!! Tara na, nandun na daw ang mga pulis at si Aling Abel” sigaw ni Kelvin mula sa baba kaya dali-dali kaming bumaba ni Paul.



Pagkababang-pagkababa namin ay natulala ako sa mga hitsura nila. Suot suot nanaman nila yung pyjama costume nila na nilabhan lang namin kahapon.



“Y'all obsessed in that outfit, don't you?” nawiwirduhan parin ako sakanila.



“Magpalit kana rainbow unicorn HAHAHA” ani Kelvin habang hawak hawak ni Alleene at Glynis ang costume ko na tawa narin ng tawa. “Hey tigidig tigidig!” pinagtawanan nanaman nila akong lahat habang sinusuot ko 'tong pesteng kabayong 'to.



Kelvin the tiger
Alleene the dragon
Glynis the tweety bird
Paul the monkey
Jeremy the papa bear
and me the rainbow unicorn err -.-



Isa nalang ang hinihintay namin, si John the bunny.



Pagtapos kong makapag-bihis ay humarap ko sakanila. Nakangiti silang lahat sa'kin kaya hindi ko maiwasang mapangiti narin, tinitigan ko isa-isa ang mga mata nila “Let's end this” at nilapag ko ang kamay ko a harap nila.



Sunod-sunod nilang ipinatong ang mga kamay nila sa ibabaw ng kamay ko “All together?” tanong ni Jeremy.



“All as one!” sigaw naming lahat.



Sumakay na kami ni Alleene sa kotse ni Jeremy at si Glynis at Kelvin naman ang sumakay sa kotse ni Paul gaya ng nakagawian. Tinitigan ko pa si Jeremy sa rearview mirror at nginitian lang niya ako.



“Are you both ready?”



“Tara na!!” sigaw ni Alleene.



Hindi naman kami matatagal sa byahe, siguro ilang minuto lang ay nandon na kami sa bahay nila John. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa oras na'to kaya kinuha ko ang spare phone ko para tawagan si John gamit ang iniwan kong cellphone sa ilalim ng unan nya.



Matagal ko ng sinusubukang tawagan ang cellphone na iniwan ko sa ilalim ng unan nya pero hindi niya sinasagot sa hindi ko alam na dahilan.



Siguro naman ngayon masasagot na niya, gusto kong marinig ang boses niya kahit sa telepono lang muna. Dinial ko ang number ko ang number ko saka hinintay ang pagri-ring ng cellphone niya.



Dear Little LiarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon