Arcanghel ‘Khael’ Manzano's POV
“Alam kong dadalhan niya ako ng payong at gusto 'kong dumating ka para sakaniya”
“Makaasa ka sakin Khael”
“Ipangako mo sa'king hinding-hindi mo siya iiwan kahit anong mangyare. Kahit mahanap niya ang taong para sakaniya, ipangako mo sa'king aalagaan at po-protektahan mo si Sasha. Mahal na mahal ko siya”
“pangako”
Hinahabol niya ako sa gitna ng ulan. Paulit-ulit niyang sinisiyaw ang pangalan ko pero hindi ako lumilingon. Iniharang ko ang briefcase na dala-dala ko sa aking ulo para kahit papaanong hindi mabasa ang ulo ko at lagnatin.
“Khael may payong na tayo” she shouted again but I play deaf.
Sorry Sasha but I have to do this, hindi ko alam kung ilang taon, buwan, araw, oras o minuto nalang ang meron ako kaya ngayon palang, kailangan mo ng masanay na wala ako sa tabi mo. Mabuting tao si Jeremy at alam kong mamahalin ka niya gaya ng pagmamahal ko sayo. Alam kong darating ang araw na ipagpapalit mo ako sakaniya at 'pag dumating ang araw na'yun, magiging masaya ako para sainyo.
“Khael!”
Lumingon ako sa direksyon nya ng may biglang paparating na truck “Sasha..” nasabi ko nalang pero nagulat ako ng dumating si Jeremy para sakniya. Hindi ko alam kung nanonood ba ako ng teleserye o isang drama pero natutuwa ako sa nangyare sakanilang dalawa.
Tanggap ko na. Tanggap ko na mawawala ako sa mundong 'to at hindi ko dapat iwan ang mga tao sa paligid kong umiiyak dahil sa pagkawala ko. Kaya habang buhay pa ako at humihinga, gagawa ako ng paraan para sumaya sila kahit wala na ako.
Pagdating ko sa bahay ay agad na napukaw ng pansin ko ang jigsaw puzzle na niregalo niya sakin. Mabilis ako itong binuksan at nabuo sa loob ng isang oras dahil ilang beses ko narin itong sinira at binuo kaya naging madali nalang sakin ang pagbuo nito sa pagkakataong 'to. Kumuha ako ng marker saka sinimulang isulat kung ano ang katotohan na hindi pa nabubunyag at hindi niya pa nalalaman.
Kahit ako'y hindi alam kung bakit ginawa iyon ni mister and miss Dela Torre. Kung bakit nila pinalabas na may sakit si Sasha.
wala kang sakit Sasha..
DeiArcanine
BINABASA MO ANG
Dear Little Liars
Historia Corta[ COMPLETED ] Sasha Dela Torre the girl of death meets the man who makes her alive, John Magdaleno. Everything she touches will die, everyone who touches her might die. It all started when Sasha's long-termed boyfriend Khael died after hugging her...