"Kley? Hindi ka pa ba matutulog?" rinig kong salita ng aking ina ngunit hindi ko na siya inabala pang tingnan dahil hindi pa ako tapos sa pagpipinta.
"Mamaya na po ako, Inay. Kayo na po ang maunang matulog dahil pagod kayo. Wag na po kayong mag-aalala sa akin. Tatapusin ko lamang ito at matutulog na rin ako" lumingon ako sa kanya at ngumiti.
"Wag mong kakalimutang kumain ah? Kanina ko pa napapansin na hindi ka lumalabas ng iyong kwarto e. Baka ika'y gutom na. Marami naman pagkain doon sa lamesa, kumuha ka nalang" tumayo na ako sa pagkakaupo sa kama at pumunta sa harapan ng aking ina.
"Opo, Inay. Matulog na po kayo" saad ko at hinalikan ang aking ina sa pisngi.
Tumalikod naman agad ang aking ina at lumabas na ng aking kwarto. Tinapos ko muna ang aking gawa at saka lumabas ng kwarto at pumunta ng hapagkainan. Dahil ako lang naman ang mag-isa dito dahil tulog na ang aking kapatid ay tahimik lang ang buong kainan ko.
"Hays"
Tumayo na ako pagkatapos at pumunta na sa lababo para hugasin ang aking pinggan. Nang matapos ay agad akong pumunta ng kwarto ko at kinuha ang gamit ko na nakabalandra sa kama.
"Hays. Kailan ko kaya maririnig boses mo? Kailan ko kaya malalaman na ako lang pala tong nagmamahal sayo? Kailan ko kaya makikita ang mukha mo?" bulong ko sa aking sarili habang tumitingin sa maliwanag na buwan at mga maliliit na bituin.
Kinuha ko ang cellphone at agad na nagbukas sa account ko para makita kung bukas ka ba. Nabuhayan naman ang aking loob ng minsan ay mahuli rin kitang bukas.
Agad akong nagmensahe sayo sa kadahilanang miss ko na makausap siya.
Sky: Shiro!
Shiro: Oh? May problema ba? Anong nangyare?
Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero napangiti na lamang ako dahil sa iyong sinabi. Simpleng mensahe lang iyan pero malaking epekto na iyon sa akin.
Sky: Gusto lang kita makausap. Miss na kita
Pinindot ko kaagad ang send button at hinintay ang kanyang reply.
Shiro: Miss u too. I have something to tell you
Sky: What is it?
Kinakabahan man ay hindi ko pa rin mapigilang ngumiti kapag kausap ko siya.
Shiro: Are you looking at the moon?
Tumingin ako sa buwan ng sinabi niya iyon.
Sky: Yes---
Shiro Ulap calling you...
Nagulat ako dahil ito pa lamang ang unang beses na tumawag siya sa akin. Kung kaya't nahulog ang cellphone pero buti na lamang ay agad kong sinalo at nanginginig na sinagot ang tawag.
"Hello?" ani ko sa kabilang linya.
["Hello,M'lady"] napatikom ako sa aking bibig ng marinig ko ang boses niya sa unang beses. Hindi ko mapigilang kiligin kahit sa simpleng tawag niya lang sa akin.
["Hey? Are you there? Are you okay? Are you asleep?"] halata sa kanyang boses ang pag-aalala kaya humarap ako sa bintana kung saan malaya kong matitigan ang buwan.
"I'm not asleep. Your voice, so..." manly and argh!
["Pft. Okay. Tumingin ka sa buwan. Kahit 'wag ka na magsalita. Pakinggan mo na lang ako"]
Pinatong ko ang aking ulo sa unan. Hindi ko alam kung bakit pero kinikilig ako sa paraan ng pagsasalita niya. Inaamin ko na may gusto ako sa kanya na tanging ako lang ang nakakaalam.
["Sa pagtingin mo sa buwan. Kunwari ako 'yong buwan, na nakatitig lamang sa babaeng kausap ko"]
"Hmp. Hindi ko nga alam ang 'yong itsura e"
["Pft. Okay lang iyan, Sky. Hindi ko naman maitatanggi na ako'y gwapo kaya umisip ka nalang ng gwapong nilalang sa harapan mo" napaubo naman ako ng wala sa oras dahil sa sinasabi niya.
Nasa punto na ako na kinikilig na ako tapos ito siya magbibiro. Parang naudlot tuloy yung kilig ko.
["Itaas mo ang iyong kamay na tila inaabot ang buwan. Ayan ang meron tayong dalawa, na hanggang abot-langit na lamang at titig sa buwan na akala nati'y tayo iyon"] napangiti naman ako ng mapait dahil doon.
"Oo nga. Hindi ko kailan naisip na hanggang titig na lamang tayo ng buwan at nagkukunwari pang magkahawak ang kamay na sa totoo ay imposibleng mangyare" hindi ko alam pero nalungkot ako sa aking sinabi.
Hindi napigilan ng luha ko ang tumulo dahil sa isipang baka may iba na siyang nagugustuhan at ayaw niya na sa sitwasyon na meron kami. Magkaibigan lang kami, ayon lang ang tingin niya sa akin na kailanman hindi ganyan ang pagtingin ko sa kanya.
["Umiiyak ka ba? Sky? Hey?"] rinig kong saad niya.
Pinatay ko ang tawag at saka nagpunta sa mensahe.
Sky: Sorry
Shiro is typing....
Binaon ko ang aking ulo sa unan dahil sa luhang sunod-sunod na umagos galing sa aking mga mata.
Shiro: Why? Umiiyak ka ba? Bakit mo pinatay ang tawag? May problema ba? Pwede mong sabihin iyon sa akin.
Sky: I---Wala akong problema. Gusto ko lang sabihin na.. Ngayon lang ako naglakas loob na sabihin to sayo. Hindi ko na talaga kaya. Sasabog na puso't isipan ko... Gusto kita. Matutulog na ako. Goodnight.
Inoff ko ang cellphone at saka nagpagulong-gulong sa kama.
Bakit ba kasi ganito ako? Ang hina ko. Bakit---
Shiro Ulap is calling you...
[Decline] | Accept
Pinindot ko agad ang decline dahil ayaw kong marinig niya ang iyak ko.
Shiro Ulap is calling you...
[Decline] | Accept
Shiro: Hey. Sagutin mo tawag ko.
Sky...
Please... Answer my call, DarlingHindi ko siya nireplyan at sineen lamang iyon. I can't talk to him right now. Hindi k----
Shiro Ulap is calling you...
["Hello, Sky?"]
Lumalabo na ang aking mata dahil sa mga luhang kanina pang umaagos. Hindi ko man lang napansin na naisagot ko pala ang tawag niya.
["Sky... Please, kausapin mo ako. Darling, please"]
Hindi ako sanay na tinatawag niya akong 'Darling' dahil kaibigan niya lang naman ako.
Pinapakalma ko ang sarili ko bago ko siya kausapin.
"Sorry. I'm sleepy. Maybe tomorrow or next time nalang tayo mag-usap"
["Sky--"]
Pinatay ko na ang tawag saka inoff ang data at pinower off naman agad ang cellphone.
'I can't. Nasabi ko na ang dati ko pang gustong sabihin. Hindi ko na siya kayang kausapin pa dahil alam ko naman na hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin. Pagod na ako'
YOU ARE READING
Let's Reach Our Hand To The Moon (Completed)
רומנטיקה©®Book covers not mine. Thank you for making it for me. Lovelots