V

498 14 0
                                    

Its already a month simula ng magstart yung class.  I can't say na nakaka-move on na ko and adjust.
ONE MONTH is equals to One FRIEND, ba naman kasi ako.

May mga gustong kumausap sakin but di ko ineentertain. Ayaw ko muna ng malaking mundo. Okay na okay pa ko sa maliit kung mundo. Si Darren, Si Francine, Ako. Okay na yun.

Isa pa tong si Francine, siya na nga lang yung nakakausap ko sa school, umabsent pa, actually its already 3 days na hindi siya pumapasok. Nasan naman na kaya yun.

Bat ba kasi ayaw niya ibigay yung fb account niya, she doesn't have cellphone din kaya I can't contact her.
Naalala ko tuloy yung napag-usapan namin nung nag-iyakan kami. Eww sounds gay yun ha hahaha. Nevermind.

Flashback

"I'm sorry, di ko nakayanan i-hold back yung naramdaman ko. Nadala ko sa iyak mo eh, nakakahiya" 
Para kaming batang nagaway na nagiyakan tas nagkabati na at pinupunasan yung mga mata.

Nakakahiya naman kasi na sa harap pa ko ng babaeng to umiyak.

"Diba, sabi ko naman sayo---"

"Wag akong mahihiya." inunahan ko siya and after that she just flash a smile.

"Tama! Hahaha nakikinig ka naman pala eh."

Aba pagkamalan ba kung di nakikinig sa mga sinasabi ng iba.

"Koykoy, salamat ha." nakangiting sabi niya sakin at puno ng sincerity.

"For what? Wala naman akong naitulong sayo."

ako pa nga natulungan mo eh. Ooppss ata lang pala. Ako pa nga ata natulungan mo. Ganern.

"para sa hug, tagal ko na kasing hinahangad namay mag gaganun sakin, tas papatahanin ka. But seriously that hug means a lot to me."
Saad niya.

"woah, tsansing ka lang ata eh."
Mukang nbsb tong babaeng to ah hahahah.

"oiiii hindi. Grabe ka naman Koykoy."

Ang weird talaga ng nafifeel ko pag binabanggit niya yung Koykoy na yan.

"Bat naman Koykoy? Sounds like laking probinsyano."

Kumunot noo niya at nagpamewang pa.

"Don't say that. Ang cute kaya ng Koykoy. Wala lang parang ang cute lang pakinggan tas yung Ky (kay) sa Kyle mo ginawa ko lang Koy."

Paliwanag niya na para bang nagrereporting sa harap ng klase.

Pero medyo na disappoint ako sa sagot niya. Akala ko kasi may chance na siya yun. Akala ko bumalik siya. Kaso hindi eh. Ang impusible din naman talaga.

"o bat malungkot ka nanaman?"

Bilis naman makapansin nito or makadama.

"ako?" turo ko sa sarili ko

"oo, sino pa po ba?" sagot niya

"ikaw, ikaw nga yung unang lumuha dyan. Nadala lang naman ako sayo." ganti ko sa kanya

"Nakakamiss kasi talagang mabuhay ng normal."

Nginitian niya ko, but i know pilit lang yung pinakita niya.

"Bakit? May sakit ka ba? Kaya siguro nung tumakbo tayo sabi mo na miss mo yun kasi di ka na pwede sa ganung gawain."

Kaya pala ang weird niya nun. May reason pala talaga. Di na siya nakasagot dahil nag resume na ng klase. Buong klase nakatanaw lang siya sa bintana, buti nga di siya  napagalitan ng prof di naman din kasi pansin eh.

-end of flashback

Napapaisip lang ako, bat ambilis niya mag open sakin. Samantalang ako hirap na hirap kahit small details lang about me di ko magawang ikwento sa iba.

Ano kaya yung sakit niya, sobrang lubha siguro nun para malungkot siya ng sobra at hanapin ang normal na buhay diba?

Lahat ng tao nakakaranas ng problema. Katulad ng saying na "There are all kinds of love in this world but never the same love twice." ganun din sa pain. All of us experienced pain but di parehas ng intensity ng pain ang nararamdaman natin.  Maaaring yung mababaw na sakit lang sakin, sa kanya pala sobra sobra na yun.

12:30 am na pala, di nanaman complete tulog ko neto. Actually nagaalala na ko kay Francine baka mamaya eh anu na nangyari dun.

Sana lang pumasok na siya bukas.

Makatulog na nga.





Until the End Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon