"Bro, may sched ka ba today?"

Sunday naman ngayon, so I guess wala naman.

"Wala naman Darren. Ikaw, aalis ka?"

Naka porma siya eh

"Yah, wanna come too?"

Hmmmm, gusto ko ba?  Or Hindi?

"wag nalang siguro bro, I want to rest eh."

I need sleep.

Pero every Sunday umaalis tong si Darren, I don't know kung nagkakataon lang or sadya na same time same day na lagi siyang umaalis.

2:30 exact na sa clock, at gantong oras siya lagi umaalis.

"Bro, matanong lang kita." sabi ko sa kanya.

"g bro."  direkta niyang sagot.

"San ka ba pumupunta tuwing Sunday ha?"

"Bro, I've already told you about that." tas umiling pa siya.

"Got to go Bro, see yah later."

Ako nanaman magisa ngayon hays.

Maka gala na nga lang muna.

Naligo ako, nagbihis, nagpulbo at nagpabango. O ayan fresh na uli ang kuya niyo.

I'm just wearing jeans and my orange hoodie kahit mainit sa pinas.

Since Sunday naman ngayon, makapag simba nga muna, to thank God na di pa rin ako sumusuko na ipagpatuloy ang buhay ko.

Nandito na ko ngayon sa church ng lugar dito samin medyo wala pang tao kasi mamaya pa ang mass na naka schedule ngayon.

"Lord, maraming salamat po at patuloy niyo po akong binibigyan ng reason to stay, for giving me strength to continue fighting my battle."

"Pasabi naman po kay mommy and daddy na miss na miss ko na sila. Andaya eh bat nila iniwan ako kaagad. But I know Lord na may plano kayong maganda para sa kanila at para sa akin."

Unti-unti naramdaman ko ang paginit ng mata ko at ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Hinding hindi po ako magagalit sainyo Lord ng dahil sa pinagdadaanan ko ngayon."

Ayan yung tinuro sakin ni mommy dati, she said that whatever problem that I might encounter, sobrang bigat man neto o hindi wag na wag daw ako magagalit kay Lord or wag ko daw sisisihin, dapat daw mag thank you pa ko.

Kasi alam ni Lord na malakas ako at makakaya ko yun, for the reason that Hindi Siya nagbibigay ng problema na di natin malalagpasan.

"Lastly Lord, Please always guide those people na tumutulong sakin ngayon, kahit pa they have no idea na nakakatulong sila sakin."

Well yeah, I'm referring to Darren and Francine.

"I love you Lord. Sorry and thank you po. AMEN."

After I pray, bumili ako ng candles at sinindihan ko iyon binanggit ko ang wish ko at ang mga mahal ko sa buhay.

Pagtapos nun lumabas na ko sa church.

"Hi, isang organization po kami na tumutulong sa mga batang nasa lansangan, may tour po kami ngayon sa Intramuros, and we're asking po for help, 20 pesos lang po para po sa mga gagastusin na entrance fee for the places inside intramuros at siempre pati po sa food."

I overheard the girl na namimigay ng mga flyers sa labas ng simbahan.

Paglakad ko naman saktong may isang lalaki na lumapit din sakin, at ganun na ganun din sinabi niya.

Until the End Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon