XI

690 25 24
                                    

Psst!

Nagkaklase si ma'am ng makarinig ako ng naninitsit

Psst! Kyle!

Kinalibutan ako bigla kasi may tumawag ng pangalan ko ng pabulong.

Ano ba naman ang aga aga Kyle kung ano iniisip mo, focus ka lang. Just. Stay. Focus. Ok? Okay.

"Kyle, may tumatawag sayo"

Pabulong na sabi sakin nung kaklase ko na nasa left side ko nakaupo.

Napatingin ako sa kanya,

"Naririnig mo rin ba yun?" tanong ko kaso inilingan lang ako ng ulo,

Nababaliw na ata ako.

Pssst! Kyle ano ba naman to hirap tawagin.

"Huy pansinin mo na yun, mahuli yan ni Ms. Micha yari kayo." pasimpleng sabi niya sakin, baka kasi marinig kami ni ma'am na nagkekwentuhan.

Dahan dahan kong nilingon yung pintuan sa tapat ng row namin sa likod.

"Para ka talagang sira." sabi ko sa sarili ko tas napangiti na lang ako, para kasing nabunutan ng tinik yung dibdib ko at di ako nababaliw.

Isipin ba namang may naririnig na di naririnig ng iba eh.

Sinenyasan ko si Francine na pumasok ng dahan dahan, sinakto niya na magsusulat si Ms. Micha sa board, kaso napayuko siya kasi biglang humarap si Miss.

Muntik ko ng di mapigilan yung tawa ko, pero napansin pa din ni Miss yung reaction ko

"Masyadong masaya ka ata Mr. Echarri." with matching taas kilay pa.

"wala, wala po ma'am, sorry po." yun nalang sinabi ko nakikita ko kasi sa peripheral view ko na sinesenyasan ako ni Francine na wag maingay hahahaha ang cute niya nga kasi nanggigigil. 

Sakto namang nahulog yung pamaypay na hawak ni Ms. Micha sa sahig kaya kailangan niyang damputin ito,

Mabilis na sumulong si Francine papunta sa likod ng upuan niya, kaso mabilis din ang kilos ni Ms. Micha kaya tuloy parang may napansin siya sa bandang samin. Pupunta na dapat siya ng biglang.

"ayy ipiss!" tili nung ka-row ko.

"Julia, ipis lang yan, mas malaki ka dyan." pang asar ni Ms. Micha sa kanya.

"sorry po Ms. Micha" tumawa nalang siya kunwari sabay harap samin ni Francine na ngayon ay katabi ko na.

"Thank you" pagpapasalamat ni Francine kay Julia, nakatulong kasi yung ginawa niya para mabaling atensyon ni ma'am sa kanya at di mahuli si Francine.

Nag thumbs up lang si Julia as a response.

"swerte mo, di ka nahuli." sabi ko kay Francine.

"hoy ikaw, kanina pa kita sinisitsitan at tinatawag ni hindi mo man lang ako nilingon" pagtataray niya sakin.

"Aba, malay ko ba kasi." sino ba naman kasi titingin sa naninitsit lang diba.

"Aba malay malay ka pa diyan, sabihin mo natakot ka kasi kala mo may mumu, pasalamat nalang ako kay Julia sinabihan ka."
HEHE di naman ako natakot, slight lang.

"heh, pasaway makinig ka na dun sa lecture."

"Heh ka rin. Coward."

Napangiti nalang ako at di ko na pinansin yung pangaasar niya.

Kriiiinnggg!!

Recess na namin pero nagdecide kami ni Francine na mag stay nalang sa room then mamayang lunch break nalang kami kakain. 

Until the End Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon