CHAPTER 1: RESPONSIBILITY

68 32 24
                                    

CHAPTER 1: RESPONSIBILITY

Ngayun ang simula ng klase sa Celia Academy, the so called school of Monstrous Rebels. Ang Celia Academy ay paaralan para sa mga patapong mga pilya at pilyo, tahanan ng mga kinulang sa aruga, ang teritoryo ng mga di kayang kontrolin, at Battleground ng lahat ng lapitin sa away.

Pero hindi naman siguro lahat dito ay ganun, masasabi kong hindi naman ako pilya o ni isa doon sa mga nabanggit, sa katunayan ako lang ata ang nag-iisang duwag sa lugar na ito. Wala naman sigurong masamang matakot diba? wala naman akong dinadamay na iba, wala akong ginagawa. Sa tingin ko ay mas masama ay iyong may ginawa nga, pero ikinasama naman ng iba.

Habang naglalakad ay napatingin na lamang ako sa Soccer court na madadaanan bago makarating sa makalumang gusali ng Paaralan. Nakita ko si Karyellous Fredrich Fennigan, crush ko mula noon hanggang ngayon. Grade 1 palang kami hindi ko na mailingat ang mga titig ko sa kanya, magkaklase kami sa Eudora Prep, Lower grade facility ng school pero located iyon malapit lang sa City, ang Celia Academy naman malayong-malayo mula 'ron. Boarding school kasi ang paaralan na ito, talagang seperated siya sa city para mabigyan ng disiplina at atensyon lahat ng estudyante.

Balik tayo kay Karl, yeah karl tawag ko sa kanya. Ang pangit naman kung tatawagin ko siya sa family name niya. Ang galing niya talagang sumipa, dapat lang talaga na siya ang captain ng soccer team. Sabi ko nga kanina hindi naman lahat dito sa Celia ay mga troublemakers, si Karl isa siyang schoolar, athlete of the year siya nong grumadweyr kami kaya siya nakakuha ng schoolarship sa Celia. Mayaman naman siya pero tinanggap niya pa din ang schoolarship kasi ayaw niyang umasa sa mga magulang niya, Matalino din siya, and syempre gwapo siya. Mabibihag niya ba ang puso ko ng sampong taon kung hindi siya charismatic? may taste ako noh.

"Uy!Beh, tignan mo si 'Dom oh tumutulo ang laway. Alis na nga tayo, baka makuntaminado pa ang hangin at magkasakit tayo." Tumatawang saad ng isang babae sa may kiosk malapit sa akin.

"As if naman may pag-asa sya kay karl ano, ang tagal nya ng umaasa malapit na akong maawa sa kanya, kung di lang sya lampa eh," bulong nong isang babae pero rinig naman.

Haysst! Nakakainis naman itong mga babaeng ito akala mo naman magaganda, hmmmpt.

ARAAAAAAAAAY!!!!!!!!!

Ang sakit ha! Pagharap na pagharap ko ulit sa field matapos tignan ang mga babae ay may tumama sa mukha ko! Ang malas ng araw na ito! parang naiiyak na ako sa sakit.

"Uy! Miss okay ka lang?" Tanong ni- OMG, hindi kayo maniniwala.

Si karl miloves ko, kinakausap nya ko!

Anong sasabihin ko? Okay dom mag-isip ka ng mabuti! 'wag kang magpanic,baka may masabi kang 'di dapat masabi.

Tanongin ko kaya kung kamusta ang umaga nya? Sige yun nalang, ay ha? bakit ko kukumustahin? baka mailang siya.

Pero sheyt! Pagbalik ko sa katinuan paalis na sya, I missed my chance, like I always do.

"Sige miss sorry, nag-bell na kasi, magpapalit pa ako ng damit para sa first subject. Maiwan na kita." Tumakbo na siya papunta sa bleachers upang kunin ang gamit niya.

OMG TALAGA!!! Nagpaalam pa sya sa akin, may meaning na ba this? Charz. Pero tama sya nag-bell na nga at ang ingay pa 'di tuloy ako makapagdaydream.

Tumakbo ako ng mabilis papuntang main building namin na hanggang 3rd floor, nakakahingal sa totoo lang.

Bale may limang buildings kami sa Celia Academy, itong tinatakbo ko ngayun ay ang pinaka gitna. Nasa first floor mo makikita ang opisina ng Dean, Faculty area, at guidance office. We call this floor the Silencer, dahil nga most of the Academy's employees are here, we Selians refrain from making noises. Though okay lang naman kasi papuwendeng mag-ingay kahit saang banda ng Academy bukod lamang sa First floor.

Ang bungangera ng section D-4 [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon