CHAPTER 3: THE LEADER & HER SUCCESSOR

39 24 4
                                    

CHAPTER 2:

So ayon na nga, gulong-gulo nanaman ang mamshie niyo dahil sa mga kaganapan kagabi, pero wala akong magagawa 'di naman puwedeng magmartsa nalang ako bigla papunta kay Charity at magtanong kung tungkol saan iyong tutukan ng baril kagabi, isa pa nasaksihan rin ng dalawa kong mga mata ang break-up nila, baka sabihin niya chismosa ako or whatever.

Aga ng gising ko, nakakainis sabadong-sabado ayaw akong pagpahingain eh, andami ko pang kailangang i-highlight na notes. Anak ni Winnie the Pooh kasi! Leche! ba't ba kasi may practice? akala ko pagha-handle lang ng students ang gawain ng mga officers, pati pag-pe-perform pa pala? may dance Intermission keneme kasi raw sa araw ng Introduction of officers. Bakit ba kailangan pang mag intermission pa? eh hindi nga ako marunong sumayaw, 'di ko alam required palang sumayaw kapag officer ka ha! andaming arte, jusko po.

"Saan ka pupunta?" tanong ni yayey.

"Sa school lamang po, may practice kami ngayon, may dance intermission raw kasi kami sa susunod na mga araw," paalam ko.

"Oh sige, ipaghahanda na kita ng makakain mo para magkaron ka ng lakas at maka-alis na, baka hinihintay ka na ng lahat,"

Aynaku! love na love talaga ako ni yayey, kahit ang tanda ko na 'di nya pa din ako pinababayaan, 'di nya pa din ako iniiwan, 'di kagaya ng mga yaya ng mga kaklase ko kada-month papalit-palit ang mga mukhang nakakasama nila. Naawa man ako sa mga yaya nila dahil ang pangit ng trato nila sa mga ito, ay wala naman akong magagawa, kapag kasing nakialam pa ako ay mas lalo lang silang papagalitan pag-uwi sa bahay.

"Salamat yayey ha, punta na po ako." Nagtungo na ako sa pinto, nang lumabas ako ay nandoon na din si manong Johnny, siya ang Head driver namin. kagaya ni Yayey 'di na din ako iniiwan ni Manong Johnny mula pagkabata ay siya na talaga ang loyal driver ko.

"Sa school po Manong, may practice po kami ngayon," pagpapa-alam ko.

"Sige po, senorita," tugon ni Manong.

Habang nagscro-scroll sa facebook nakita ko ang post ni Miloves karl, pero ba't ganito? hindi ba sa school dapat magkikita-kita? ba't wala sila sa school? Ba't nasa mall yata sila.

"Manong, daan po muna tayo ng Starbs. Sa mall po muna tayo." Lumiko naman agad si Manong, nasa kabilang direksiyon kasi ang daan papuntang Mall.

Niliko naman ni manong pinuwi ko na din sya at sinabihang magco-commute nalang ako papuntang school.

Nang mapadaan ang sasakyan sa harap ng gate ng Mall ay nakumpirma ko nga ang hula ko, 'di nga nagkamali ang mga mata ko, nasa Boba shop nga sila sa tabi ng Starbs. Suki na ako ng dalawang beverage shop na ito kaya naman bawat dulo ng kanilang shop ay memoryado ko na ang mukha, nakita ko iyong mga upuan sa background ng picture nila Karl kaya naman dito na lamang ako nagpa-diretso.

"Uhm... diba tumawag kayo sa bahay namin kagabi? ang sabi nyo sa school ang venue, eh ba't kayo nandito?" tanong ko kay Calitha, ang kaklase ko last year na Presidente ng Peer facilitator's club.

"Ah! oo, tulog ka na daw kagabi diba? kaya 'di na kita nakausap, kunwari lang na sa school, alam naman naming 'di ka papayagan kung sinabing Mall eh.  a
Anyways I messaged you naman diba sa messenger? have you not seen it? Pa'no mo nalaman na nandito kami?" natatakang tanong ni Calitha.

"Ha? Oh my bad, 'di ko na kasi na-check ang messenger sa pagmamadali eh." I lied, I really don't check my messenger at all. 'Di din ako naka log in always kasi wala namang nagme-message sa akin, I deleted the app.

Why am I lying about the real reason, I didn't check though? nagiging insecure ba ako? Being with them makes me think that I should be flawless, I'm being a little bit like them? I hope not.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang bungangera ng section D-4 [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon