PROLOGUE

136 36 24
                                    

I'm doomed! I'm hopeless, well I'm a goner now. Alam kong gagawin ng Selians ang lahat ng impossible, pambu-bully, pananakit, paninira ng puri ng iba, Ngunit sa kabila ng lahat ng 'yon 'di ko aakalaing kaya rin pala nilang sumira ng buhay ng iba.

Hindi pa naman sira ang buhay ko, puwede pa akong magpalipat ng School. Tama! lilipat nalang ako ng School, baka magkaron pa ako ng chance na gumradweyt. Susmaryosep 'di pa ako tumutuntong ng College, stress na ako.

Masyado ba akong nag-e-exaggerate? Sige ipapaliwanag ko kung bakit ako aligaga.

Ako si Dominic Alexus Gueverra. So formal? Call me Alexus. I study in Celia Academy, the school of Monstrous Rebels. Hindi naman talaga siya ganito dati, hindi naman siya school para sa mga patapon.

Dito nag-aral ang buong pamilya ko, sila lolo at lola, si mom at dad, at ang mga kapatid ko. Tinuloy ko na lamang ang pag-aaral sa Celia kasi tradisyon na, may special spot sa sala namin sa bahay na naghihintay na maisabit ang diploma ko, hindi ko puwedeng sirain ang tradisyon. kahit ako nalang ang mahuli, okay lang basta ba maka-graduate ako.

I promised someone that I dearly love, that someday I would graduate from this Academy. Six years ago nagpasya ang May-ari ng school na gawing Boarding School ang Celia. Our school has been known throughout the City, and to protect the School's reputation, they made it exclusively for those who have the financial privilege and background capabilities only. Pero syempre we have five scholars every year, to keep the balance between slack-offs and intelligent-worthy students.

I have never been an officer or a student-leader, bakit ngayon pa nila ako pinag-tripan kung kailan gra-graduate na kami. Hindi sikreto sa students ang grades nila sa school since every month ay inilalabas sa school bulletin ang ranking ng bawat student sa Celia, hindi ito by grade level, ang ranking na ito ay pinaghalong freshmen hanggang senior.

Mula freshmen year ay na-se-secure kung mapasali sa Intelligent fifteen o Brain Squad kung tawagin ng mga tiga-ibang schools. Yes, you can say that I've always been a over achiever, kaya naman hindi ako papayag na ngayon pang senior year ay sisirain nila ang pangarap ko.

Kapag kasi naging isa kang Student officer ay mawawalan ka na ng time sa studies mo, literal na wala kang time. Nakikita ko sila lagi naglalakad at naglilibot tuwing class hours, may mga dalang materials or papeles, o 'di kaya nama'u nag-di-disiplina ng mga ibang students. May iba pa din na nasa Intelligent fifteen kahit officer sila, pero kasi matatalino sila masyado, I'm not naturally gifted like them, 'di ako papasa kung 'di ako magstu-study.

What is this mess that I've gotten myself into? 'Di na ba talaga ako makakapagtapos?

°°°
Hey there Madlang Pipol! Thank you so much for reading this chapter, if you love it please press the star button and share this with your friends to support my stories.

Motivational Quote of the day:

"When God gives you a challenge don't be afraid to seize it! He wouldn't give you a task, without giving you a special weapon, use that weapon to your advantage!"

From your bubbly Author
💎Fharniee319💎

Ang bungangera ng section D-4 [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon