CHAPTER 2: START OF REVELATIONS

52 30 19
                                    

CHAPTER 2:

Pauwi na ako ng bahay matapos ang napaka-stressful day sa buong buhay ko. Binasa ko yong rule book ni Charity at mga tasks ko, ginawa ko yong mga tasks ko sa araw na ito. Ang hirap pasunudin ng mga classmates ko, kakayanin ko kaya bukas? 'Di naman sila nakikinig sa akin eh, wala akong kakayanan maging leader, 'di ko man lang sila magawang makinig sa akin. Hayst!

Sinundo ako ni Tito Carlo, pinsan siya ni mama at siya nalang ang natitira naming kamag- anak rito sa magulong mundo na ito. Anak sya ni Grand-Dad sa ibang babae kaya di sya tanggap ng pamilya, kinupkop siya ni Lolo, tatay ni mama. Hanggang ngayun ay nasa amin pa din siya dahil ayaw siyang payagan ni mama na maghirap, 'di rin kasi siya nakatapos ng pag-aaral kaya 'di kampante si mama na hayaan na siyang umalis. Sabi ni mama ay siya nalang maging Guardian ko tuwing wala si mama, hanggang sa ginawa na siya ni mama na personal assistant ko kumbaga, siya ang nagsusundo sa akin sa school at tumayong magulang ko tuwing nasa malayo si mama.

"Dom' kamusta ang school?" tanong ni tito.

"Naku! Tito alam mo ba napagtripan ako sa school, nakakainis nga eh," reklamo ko.

"Bakit naman, may nagawa ka bang mali?" tanong niya habang nakatingin sa daan, nagmamaneho pa din siya eh.

"They elected me as classroom mayor ba naman Tito, can you believe it?" sabi ko.

Biglang nagiba ang ekspresiyon ng mukha ni tito, saglit ring humina ang pag drive nya.

"Tito, what is it? Okay ka lang ba? nag-aalalang tanong ko.

"Ha? Uhmmm...Oo, masakit lang ulo ko."  Ani niya

"Daan kaya muna tayo sa hospital? Magpa-check-up ka muna." Suhestiyon ko.

"Sige lang, Biogesic lang katapat nito mamaya sa bahay," sagot ni Tito.

"As I was saying Tito, napaka-weird ng araw na ito, ang dami nilang ina-announce kanina na di ko naman alam na nangyayari pala sa school." Paliwanag ko.

"Oh! kagaya ng ano?" kumuniy ang noo ni tito.

'Di naman kumukunit ang noo ni tito kasi friendly naman siya lagi, ano kayang problema niya? masakit ba talaga ang ulo niya? sana 'di niya nalang ako sinundo kung may sakit siya, nagpahinga nalang sana muna siya.

"Kasi Tito, hmmm ah ano- may Academy war ba yun? Ewan, 'di ko maalala, basta may mga secrets, tapos ewan, basta Tito." Napakamot nalang ako ng ulo, feel ko kasi binibigyan ko ng stress si Tito kaya tumahimik nalang ako, tungkol 'don at baka mag-worry pa siya.

"Alam mo President ng student government diyan sa Celia dati ang mama mo," ani ni tito

"Ha? Totoo po?" lumaking matang tanong ko.

"Oo naman, paminsan tanongin mo sya para 'di ka mahirapan jan sa school." Suhestiyon ni tito

"Sige po tito," sabi ko

Pagdating sa bahay ay agad akong tumakbo sa kwarto, nagpalit ng damit at dumiretso ako sa garahe. Nagpahatid ako kay manong driver sa opisina ni mama, 'di ko na siya mahintay na umuwi, I'm so curious. Binati ako ng mga empleyado dito, lagi naman ako dito kaya kilala na nila ako.

"Good Afternoon, Miss alexus."  Bati ni ate Cherry, secretary ni mama.

"Good afternoon rin po ate." Ibinalik ko ang bati niya.

Pumasok ako sa opisina ni mama without any knock, as usual wala sya doon. May malaking couch si mama sa loob ng office niya, dito ako naghihintay sa kanya kapag puno ang schedule nya. Puno rin siguro ang sched niya ngayun kaya alam kong di sya makakuwi, didiretso na sya sa London bukas sa pagkakaalam ko, para yata sa meeting nya kasama ang ibang miyembro ng Royal family. Isang malaking company ang hina-handle ni mama kaya naman kilala ito sa buong mundo,  sinusupplyan niya ng mga magagandang alahas ang Royal family. Paguusapan nila ngayun ang presyo, kaya kailangan kong makausap si mama tungkol sa School, or else 'di ko siya makakausap ng matagal na panahon about rito, baka bagsak na lahat ng grades ko pag-uwi niya.

Ang bungangera ng section D-4 [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon