Marck's POV
4:30a.m palang???😱 Bakit ang agap ko magising? Oh well, mag jogging nalang kaya ako......
Nagstart na ako mag jogging mula sa labas ng dorm papunta sa oval. Nakakailang laps nako pero 5 palang?? Ang bagal ng oras uggh. So i decided na maglakad muna since napagod na din naman ako. Nang biglang may dumaan sa tabi ko na babae. Nilampasan nya ako since naglalakad naman ako at siya nagjojogging, napansin ko siya dahil ang bango niya at ang puti. Though di ko kita ang face. So pinabayaan ko nalang.
Umupo muna ako para tingnan ang iba pang nagjojogging at para panuorin ang sunrise. Habang nakaupo, nakita ko na yung face nung sinasabi kong girl na mabango na dumaan sa tabi ko kanina. And I was shocked......
Ako: JIA!?? (Ay napasigaw pala ako)
Jia's POV
Nagjojogging ako nang biglang may sumigaw ng name ko out of nowhere.
!!!: JIA??Nagulat ako ng makita ko si marck. Siya pala yung sumigaw. Since nakakaraming laps na din naman ako, tumigil na ako at nilapitan ko siya.
Ako: Uyy anong ginagawa mo dito? Nakakagulat ka naman
Marck: Kakatapos ko lang din magjogging eh. Nagulat nga din ako nung nakita kita haha. Eto hinihintay ko nalang yung sunrise. 8 pa naman start ng class natin eh. Kaya mahaba pa ang oras haha.
Ako: Ah ganon ba? Oo nga. Ang aga ko nga nagising eh kaya nagjogging nalang muna ako.
Marck: Ako din eh. Destiny yata to ah.
Ako: Destiny? Naniniwala ka dun? Haha
Marck: Noon hindi pero ngayon parang oo na.
Ako: Hay nako! Kung ano ano na pinagsasabi mo jan. Ayan na yung sunrise na hinihintay mo oh.
Kung ano ano na pinagsasasabi nitong lalaking to ah haha pero okay lang napapatawa nya naman ako
Marck's POV
Sabay naming pinanuod ang sunrise at nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan. Tawa ako ng tawa dahil sa mga jokes nya at kung ano ano hanggang sa namalayan namin 7 na pala.
Ako: 7 na pala. Kailangan na nating bumalik sa dorm. Isang oras nalang bago ang 1st class natin.
Jia: Nako! Oo nga. Tara na! Ang lagkit ko na eh. Amoy pawis na pati
Ako: Kung ganyan na ang mabaho sayo, ano pa kayang tawag sa amoy ko?
Jia: *inamoy amoy si marck sa may kili kili* di naman eh. Ang bango nga eh.... Amoy bayabas. *tapos biglang tumakbo na parang may atraso*
Ako: Huh? Hahahaha para kang bata! Hoy! Bumalik ka dito!
Ito talagang babaeng to hahahaha
=======================================
Pagkatapos nilang maligo, pumasok na sila sa klase nila. Pagkatapos ng klase.
Marck: Sabay na tayo Jia?
Jia: Uhm sabi ko kila mich sabay ako sa kanila eh, sabay ka nalang din samin.
Marck: Ay wag nalang. Nakakahiya eh.
Jia: Ano ba yun? Sge na sabay ka na please??
Marck: sige sige.
=======================================Mich's POV
Sabay sabay kaming maglulunch ngayon. Kaya nandito kami nila kim, jamie at ana sa cafeteria. Hinihintay namin si jia. Maaga kasing natapos mga class namin kaya naunahan namin siya.
Ana: ayan na ayan na!!
Jamie: she's here!
Kim: andito na sya!
Ana: kim, tinagalog mo lang sinabi ni jamie. Ano ka translator?
Jamie: ohh and she's with someone.
Wow haha may kasama siya. Infairness gwapo. Sino kaya ito.
Ako: Hi pogi? Are you taken?
Jia: mich! (With a 'tumahimik ka jan' look)
Ako: ay sorry. So sino sya?
Jamie,Kim,Ana: Oo nga. Who is he??
Ako: Inenglish nyo lang sinabi ko eh.
Jia: Ah friend ko. Sasabay daw sa atin maglunch.
Marck: Hi I'm marck. Marck Espejo
Jamie,Kim,Ana,Mich: ahh friend. hi marck :)
Mich: Hi pogi I'm mich
Jamie: jamie
Kim: Kim
Ana: Hi I'm ana (ena)Marck: Nice meeting all of you.
Jia: So ano, magpapacute lang ba kayo jan? Or mag lulunch na tayo?
Kim: Kakain! Order ka na jia! Since ikaw naman ang late.
Jia: Okay po mga boss masusunod!
Marck: Samahan na kita.
Habang umoorder yung dalawa...
Kim's POV
Hayy ang tameees naman. FRIEND lang ba talaga? Nakakakilig ha kahit friend lang. Kelan kaya ako magkakaroon ng FRIEND?
Ako: Ano daw? Sasamahan?
Ana: May sasama kaya sa akin kung ako ang pinaorder nyo?
Jamie: Of course wala! You don't have a Friend like him.
Ako: Friend nga lang ba talaga? Hahaha
Mich: Girls! Kinikilig ako haha.
Jia: Bakit ka kinikilig?
Mich: ayy anjan na pala kayo.
Ana: ah ano kasi jia, kinekwento ko yung movie na napanuod ko. Nakakakilig.
Jia: ah ganon ba? May be we can watch that movie some time?
Kim: woah! Si jia nag-akit manuod ng nakakakilig na movie? Himala!
Jamie: It's a miracle!
Mich: ayan na naman ang translation eh.
Jia: ewan ko sa inyo. Kumain na nga tayo.
BINABASA MO ANG
For the First Time (JuliArck)
FanfictionAteneo Lady Eagle's Super Rookie Setter: Julia Morado And the Blue Eagle's Rookie Phenom: Marck Espejo Both of them doesn't know what love is or how it feels to fall in love. Bestfriends; Is that all they could ever be? Or will they realize that th...