Marck's POV
Monday na naman. Ang aga ko na naman nagising. So naisipan ko na naman magjogging. Naalala ko na nagkita kami ni jia dun nung isang araw kaya nagbakasakali ako na magkita ulit kami. Pero nabigo ako. Pero ayos lang magkikita pa naman kami mamaya.
Jia's POV
Nagising ako pero sobrang sama ng pakiramdam ko. Ang sakit ng ulo ko. Nahihilo ako pero di pwede umabsent. Madami akong mamimiss. So pumasok pa din ako at magttraining din ako mamaya. Malapit na magstart ang UAAP volleyball eh.
Dalawa lang ang class ko ngayon. 8-10 and 1-3. So start na ng first class. Hindi ako lumapit kay mark kasi late na ako so hindi available yung seats na malapit sa kanya. The class went the usual way. And ako lang yung unusual because of the unusual feeling I also feel. Sa wakas. End of First class.
Bumalik ako sa Dorm. Ayaw ko muna lumabas. The last time I had a fever was last year pa and that time, I was still at home with my parents taking care of me. Pero ngayon, ako lang mag-isa.
So nandito ako sa dorm nakahiga lang mag-isa dahil may class silang lahat. Di ko alam gagawin ko. Sinubukan kong tumayo pero nahihilo talaga ako at nagbblock out ang paningin.
Marck's POV
Teka! Where's jia?? Kanina lang nandito siya sa ah. Nasan kaya yung babaeng yun? Ah baka nasa cafeteria. Pumunta ako dun pero wala siya.Buti nalang nakita ko si ate alyssa.
Me: Ate Ly, have you seen jia?
Ate Ly: Nope. Bakit mo siya hinahanap? Huh? *with a pangasar smile*
Me: Ah nawala po kasi bigla eh. Nag aalala lang naman ako. Di naman ganun yun.
Ate Ly: Ah concerned ang friend. Pero sige I'll text you nalang pag nakita ko ha.
Me: Sige po. Ano nga pala number ni jia?
Ate Ly: Ang tagal nyong palaging magkasama pero di mo nakuha nimber niya? Ikaw talaga marck haha masyado kayong masaya sa isa't isa eh. Oh ito number nya. Tawagan mo na ang mahal mo.
Ito talaga si ate ly lagi nalang akong niloko haha. Pero napaisip din ako, bakit nga ba hindi ko nakuha ang number niya sa tagal naming palaging magkasama.
Me: sige thanks ate ly. Hanapin ko lang siya.
Ate Ly: you're welcome. Balitaan mo ko pag nahanap si jia ha. I'll go ahead.
Tinawagan ko naman kaagad si jia.
Calling Jia Morado....
"The subscriber you're calling is busy at the moment"Tinry ko pang tawagan siya ng ilang beses pero di siya sumasagot. Naisipan ko naman pumunta sa dorm dahil wala na naman siyang ibang pupuntahan.
Pagdating ko sa Eliazo, tinanong ko sa guard kung dumaan dun si jia at hindi ako nagkamali. Pinayagan ako ni manong guard dahil kilala niya naman ako at maaga pa naman. Wala naman kaming gagawing masama no.
Ano naman kaya ang naisipan nitong babaeng to. Ba't nandito sa dorm. Tinawagan ko ulit siya and luckily, sumagot siya.
Me: Jia, where are you?
Jia: ddddd....ooooormmm,...
Me: Is everything okay?
Di siya sumasagot.
Me: JIA! IS EVERYTHING OKAY? You're making me nervous.
Nakarating na ako sa may pinto ng dorm at hindi na ako kumatok. Hindi nakalock ang pinto at si jia agad ang nakita ko. Nanginginig siya sa sobrang lamig at nang kinapitan ko siya. ANG INIIIIT!
![](https://img.wattpad.com/cover/23211809-288-k43549.jpg)
BINABASA MO ANG
For the First Time (JuliArck)
FanfictionAteneo Lady Eagle's Super Rookie Setter: Julia Morado And the Blue Eagle's Rookie Phenom: Marck Espejo Both of them doesn't know what love is or how it feels to fall in love. Bestfriends; Is that all they could ever be? Or will they realize that th...