Maybe this time

848 18 1
                                    

Jia's POV

*rin ring ring ring*
Me: Hello?

??: Ju, take a shower na!

Anong oras na ba? 5 palang naman ah.

Me: Marck? Bakit? Ang aga naman. Mamaya pa duty ko.

Marck: Basta. Malapit na ako jan. May pupuntahan tayo. Sige na bye.

Ano na namang trip nitong si marck? Basta sinunod ko nalang yung sinabi niya. Naligo ako at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis, may kumatok sa pinto. Si marck na siguro yun. Binuksan ko at lumabas at nilock ko na.

Me: San ba tayo pupunta? Ang aga naman.

Marck: Basta. Just trust me. Tulog ka muna jan kung gusto mo.

Natulog muna ako. Sabi niya eh. Antok pa naman talaga ako.

Marck: Ju, woke up. We're here.

Nasa ateneo ba kami? Oval?

Marck: Let's Go.

Pumunta na kami sa may oval at umupo sa may bench na palagi naming inuupuan. Dito ko siya huling nakasama bago siya umalis at pumunta ng amerika. Hindi siya nagsasalita pero mukha siyang kabadong kabado.

Me: Ayos ka lang? Mukha kang kinakabahan.

Marck: Uh ju, (humarap siya sa akin na seryoso yung mukha)

Uhhh I feel something weird here. I started to be nervous too.

Marck: Alam kong hindi maganda yung nangyari nung last time na nandito tayo.

Me: Oo nga eh. Dito tayo huling nagkasama.

Marck: Kinukulit mo ko kung bakit hindi ko pa nililigawan yung matagal ko nang gusto diba? Well di ko pa kasi naamin sa kanya eh.

Me: Aminin mo na kasi.

Marck: I was about to do that. (Tumingin siya sa langit habang nagsasalita habang tinitingnan ko lang siya at nikikinig)

Me: What happened then?

Marck: (nakatingin lang siya sa malayo habang nagsasalita) 6 years ago, I met someone who changed my life. She changed the way how I look into things. She taught me something I've never learned before and that is to fall in love. I was about to tell her what I feel and then nangyari na ang hindi dapat mangyari. Nung araw na dapat magtatapat ako sa kanya, yun din yung mismong araw na umalis ako papuntang amerika. Everything that time was a bad timing. A really bad one. So I am hoping that maybe this time, maging okay na lahat.

Ano bang mga pinasasasabi nitong lalaking to. Humarap siya sa akin.

Marck: Ju, we've been bestfriends for so long. Pero kung gano tayo katagal naging mg bestfriends, ganon ko din katagal itinago yung tunay kong nararamdaman.

Me: What do you mean?

May kinuha siya sa pocket niya na necklace.

Marck: I bought this before ako umalis. Para 'to sa kanya. Talikod ka.

Tumalikod ako. Naramdaman kong isinusuot niya sa akin yung necklace kaya nagulat ako.

Marck: Suot na niya :)

Ako ba ang tinutukoy niya?

Me: Anong ibig sabihin nito?

Marck: Ju, mahal kita matagal na. Natakot ako dahil alam kong bestfriends tayo at ayokong masira yun dahil lang dun.

Me: Marck...

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil parehas kami ng nararamdaman o malulungkot dahil ang tagal pa naming naghintayan.

For the First Time (JuliArck)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon