Umalis na kami sa may dalampasigan at umuwi na sa bahay ni Manang Baday. Malamig na ang panahon. Lumalalim na ang gabi. Lumalakas na ang simoy ng hangin. Giniginaw na ako. Parang ang bigat ng aura sa paligid habang naglalakad kami.
May biglang humarang sa dinadaanan namin. Isang lalake ang lumabas sa kanyang kakaibang sasakyan. Matipuno ang lalake. May awtoridad ang kanyang tindig. Yumuko si Manang Baday bilang paggalang sa lalakeng nasa aming harapan.
"James?" @_@ gulat na gulat ako. Si James lang naman ang andito sa harapan ko. Ang boyfriend ko.
"Bakit ka andito? Paano mo ako nahanap?" Tulad ko, gulat din siya ng makita ako. Sobrang gulat, parang hindi niya inaasahang makikita ako dito.
"Sumama ka sa akin." Seryosong sabi niya.
Sumunod ako, at hinila ko rin si Xander na gulong-gulo. Palipat lipat ang tingin niya sa akin at kay James.
Andito ka mi sa isang malaking bahay. Enggrande. Mamahalin ang mga gamit. Hindi katulad sa ibang mga bahay at estruktura dito, ang bahay niya ang modern. American style ang bahay niya.
"Babe, listen." Sabi ni James sa akin.
"I am not here because of you. No, I mean I've been looking for you. But I didn't expect that you will be here. In a world different from ours."
"So you knew? You knew this world existed?" Gulat na tanong ko.
"Yes! You know babe, they call me here 'half-blood'. Ako lang ang nag iisang nilalang dito na anak ng tao at anak ng mahikero."
Gulat. Nanghihina ang tuhod ko.
Nakilala ko si James isang araw ng magtanong siya sa akin kung saan ang address na nakasulat sa papel na hawak niya. Gwapo, matipuno, maginoo 'yun ang unang nagustuhan ko sa kanya. Doon nagsimula ang aming pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan. Hindi ko inakalang ibang mundo pala ang kanyang pinanggalingan.
Inalalayan ako ni Xander na makaupo sa sofa.
"Baby, okay ka lang?" Malambing na sabi ni James. "Hindi ko naman talaga gustong itago sayo. Sasabihin ko naman talaga naghahanap lang ako ng tyempo."
"So kaya ka pala biglang nawawala, dito ka pala pumupunta." Malungkot na sabi ko.
"Kaya ako pumupunta dito ay kailangan ako dito. Althea makinig ka, hindi lang ako basta taga rito. May misyon ako. Bilang ako lang ang may lahing tao, ako lang pwedeng mag labas pasok dito at sa mundo niyo."
Bumigat ang pagmumukha ni James.
"Ako ang inatasang mamuno sa pagsakop ng mundo namin, sa mundo ninyo." Nakayukong sabi niya.
Bagsak ang balikat. Tumulo agad ang luha sa mga mata ko. Gulong-gulo na ang utak ko.
BINABASA MO ANG
Perfect love at imperfect time
RomanceDahil sa isang trahedya, natagpuan ni Althea ang kanyang dream guy. Sa unang pagkakataon ay nagpasalamat siya sa Diyos sa masamang nangyari sa kanyang buhay. Dahil sinong mag-aakala, na dahil sa isang trahedya ay matatagpuan niya si Jemuel. But unfo...