A Talk With Papa

57 3 0
                                        

Gabi na at umuwi na rin si Angel. Si Seven naman ay napilitang umuwi kasama si Mama, na umuwi rin para kumuha ng gamit at pagkain sa bahay. Si kuya naman, on duty siya ngayon sa hospital na ini-internan niya. Si papa at ako lang ang naiwan sa kwarto.

"Noong nililigawan ko ang mama mo, lagi niya talagang bukambibig ang mangosten. Hanggang sa nagdadalang-tao siya sayo." kwento ni papa habang kumuha ng mangosten sa table na dala kanina ni Angel.

"Kahit hating-gabi, nagwawala yun kapag hindi siya nakakain ng mangosten. Minsan kapag walang stock, napapasubok akong maghanap. Sarado na halos lahat ng tindahan kasi nga hating-gabi na. Kaya ang ginagawa ko, bumibili nalang ako ng juice na mangosten flavor." inabotan niya ako ng isa at umupo siya sa bed sa harap ko.

"Pagkarating ko sa bahay, galit na galit siya kasi wala akong bitbit na mangosteen at kahit galit siya, ininum niya parin ang juice na binili ko. Wala na siyang ibang choice."

"Naging halimaw ba si mama kapag buntis, pa?"tanong ko.

Tumawa lang ito, "Halimaw pa sa halimaw. At kahit ganun siya, mahal na mahal ko parin ang mama mo."

"So may forever nga talaga?"

"Nothing is forever except for God's love for us." natamaan ako bigla at naging guilty. I sometimes question his existence and I really wanna question his capability of saving lives.

Bigla kaming natahimik.

"Why me pa? Does God love me?" I aksed him while looking at him hopelessly. He looked at me with pain kasi alam ko hindi niya nagustohan ang naririnig niya mula sa bibig ko. But he knew I would asked this to him someday.

"Dear.."ipinatong niya sa magkabilang balikat ko ang mga palad niya.I saw hurt in his eyes. I shouldn't ask this kind of question and I must not.

"..never question God's love for you. He loves us fairly and selflessly. Nangyari ang lahat na 'to kasi he wants you to be strong and test your love for him. Instead, praise him even more." napaluha ako out of guiltiness. God doesn't deserve me for I always question him whenever I am down.

"I'm s-sorry, pa. Masyado akong makasalanan. Hindi ko alam mapapatawad pa ba ko ni God."I hugged him and cried.

"Shhh. . He already forgive you before you ask for forgiveness."

"Pero pa..."umalis ako sa yakap niya.

"Hmm?"

"What if.... napapagod na ako. Hahayaan mo ba akong huminto at sumuko nalang?" Walang emosyong nakatingin sa akin si papa. Malamang nabigla siya sa tanong ko. Kahit ako hindi ko alam kung bakit yan ang tinatanong ko sa kanya. Nagbabasakali lang ako at di naman impossibleng mangyari yun. Doon din naman ako patungo.

Sa tagal-tagal niyang pananahimik, nagsalita narin siya.

"Hindi ko yan masasagot sa ngayon anak." Na dismaya ako sa sagot niya. Knowing my parents can't let me go.

"Pa, alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon?"

"Ano naman?"

"Para akong nasa priso at hahatulan ng kamatayan." Walang alinlangang sabi ko.

That night, he raised my hopes and built up my faith again.

10 Days Before I Meet GodStories to obsess over. Discover now