The Day After Graduation

120 4 0
                                    

ABBY

Monday morning, masakit ang buong katawan ko at super heavy ng pakiramdam ko dahil narin siguro sa iniinom ko na gamot kagabi. Hindi na naman ako nakatulog ng maaga kaya umiinom ako ng sleeping pills. Yan lang ang sandalan ko kapag may insonmia ako. Masyado akong dependent sa mga gamot. Pinilit ko ang sarili na bumangon. Ilang araw narin akong nagiging ganito. Matapos ng graduation namin, bigla akong nanghihina sa di malaman na dahilan. Hindi ko pa rin pinaalam sa mga magulang ko kasi kaya ko pa naman kahit papa'no. Masyado rin akong independent at ma pride. Isa sa mga ginagawa ko pagkatapos bumangon ay ang magdasal sa harap ng mini-altar ng kwarto ko. Nag-ayos pagkatapos at bumaba. Naabotan ko si kuya na naghahanda ng almusal sa kusina. Si kuya ang tumayong magulang ko sa tuwing busy sina mama at papa. Hindi ko rin naman ikinagalit ang pagiging busy nila kasi ginagawa lang nila ito para sa amin. At sa kabila ng pagiging busy nila, hindi rin naman nila nakakalimutan ang mga special na araw namin at magbigay ng kunting oras kada araw. Hindi ko sila nakikita sa tuwing sumisikit ang araw ngunit nakikita ko rin naman sila sa paglubog ng araw. Mahal kami ni kuya ng mga magulang namin.

"Ayan... ang sarap ng corned beef with egg." bungad niya sa akin sabay lapag ng sinaing niya. Bilib na talaga ako sa maternal skills ni kuya kahit hindi naman talaga required sa kanya. Kaya kung sino man ang mapapangasawa niya, naku, swerte yun. "Syempre ang gwapo ng nagluto e." bola ko.

"....wala nga lang girlfriend." nginitian ko muna ito bago ako sumubo.

"Just wait for it." NGSB. No girlfriend since birth. No flings since birth. No Girl na friend since birth. Masyadong inuna ni kuya ang pag-aalaga sa akin. Kahit magka-college na ako ay todo alaga parin siya kahit kaya ko naman. Hindi ko alam kung mamatay na ba ako kasi masyado siyang spend-all-time-to-my-dying li'l sis. I'm healthy. Insonmia lang ang meron sa akin at minsan night sweats. Dalawang taon lang naman ang agwat namin, 18 ako 20 siya.

" Ano yang nasa leeg mo?" napahawak ako sa leeg ko. May maliliit na bukol sa leeg ko at meron din sa ibaba ng back ear ko.

" Nabukol siguro. Hindi naman masakit." sagot ko at hindi ko narin inusisa. Baka nga bukol ito kasi malikot ako kapag natutulog.

"Hindi e, ba't andami." igiit niya.

"Baka goiter ito. O di kaya cancer......Joke!" biro ko ngunit hindi na maipinta ang mukha niya, hindi nagandahan sa joke ko. Isang medical student si kuya at malamang marami siyang alam sa mga medical explanations na hindi ko alam.

"Punta tayo ng hospital after this. At 'wag ka na ulit magdyo-joke ng ganyan. Be careful what you wished for."

"Seriously?"

Gaya nga ng sinabi niya, pumunta kami sa hospital para ipatingin ang ano man ang nasa leeg ko. Honestly bukol lang naman talaga ito pero bukol nga ba?Base sa nakikita ko sa mukha ni kuya na nakikipagusap sa doctor ko kanina parang may mali. Kinabahan ako bigla. At tila nararamdaman ko ang mga bukol sa leeg ko, na parang gumagalaw ito at mukhang puputok na. Napapikit ako.

At ito ang simula ng kalungkutan ko.

10 Days Before I Meet GodWhere stories live. Discover now