Ikalimang Kabanata

1 0 0
                                    

SAMUEL

Isang malakas na pwersa ang tila ba humatak sa'min paaalis sa kaharian na iyon at dinala kami rito sa isang maliit na dampa. Pagbagsak namin dito ay agad kong sinalo si Selah na ngayon ay walang malay. Nakakaramdam din ako ng konting hilo. Binuhat ko siya at inilapag sa isang maliit na papag na nandirito. Ang suot namin ay ang suot pa rin namin nang nagsasayaw kami. Tingin ko ay nasa ibang lugar na naman kami. Hanggang kailan kaya kami magpapalipat-lipat ng lugar? Ano ba ang dapat naming gawin para matapos na ito at makabalik kami sa totoong mundo namin. Napahawak na lamang ako sa noo ko at napailing. Nakakaramdam na rin ako ng antok dahil madaling araw na. Umupo na lamang ako sa silya na malapit sa hinihinihigaan ni Selah at pumikit.

"Samuel!" Tumingin ako sa babaeng tumawatawag sa'kin.

"Lhyn? Lhyn! Ikaw nga!" Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap siya ng napakahigpit.

"Samuel, bumalik ka na. Kailangan kita" kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at tumutulo ang kanyang mga luha. Para kaming nasa kawalan ngayon at kami lang dalawa ang taong naririto.

"Babalik ako, pangako. Babalikan kita. Okay?" Sabi ko at tumutulo na rin ang mga luha ko.

"Samuel!" Napatingin kaming pareho sa babaeng nakaputi ng damit at lumuluhang nakatingin sa'min.

"Selah" bulong ko.

"Huwag kang lumapit sa'min!" Sigaw ni Lhyn na ngayon ay nagpupuyos sa galit.

"Lhyn, siya si Selah" sabi ko at iniharap siya sa'kin.

"Siya ang magiging dahilan ng kamatayan mo. Layuan mo siya" sabi ni Lhyn na ngayon ay umiiyak.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Selah at parang nangungusap ang mga mata niya. Tumingin naman akong muli kay Lhyn ngunit wala na siya sa harap ko.

"Lhyn!? Nasaan ka!?" Hanap ko sa kanya.

"Wala na siya, Samuel. Huwag mo siyang paniwalaan. Pakiusap" Sabi niya at biglang umihip  ang malakas na hangin dahilan para mapuwing ako at hindi makakita. Kinusot ko ang mga mata ko at dumilat. Lumantad sa'kin ang duguang bangkay ni Selah na ikinagulat ko.

"S-samuel, b-bakit?" Sabi niya at tuluyan ng nawalan ng buhay.

"aaaaaaahhhh!!! Samuel!!" Napabangon ako ng mabilis at tumakbo palabas dahil sa sigaw ni Selah. Nakita kong malapit siya sa tubig at may dalawang lalaki siyang kasama.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ko at hinawakan si Selah. Tumago naman siya sa likod ko.

"Wala naman kaming ginagawa sa kanya, inaalok lang namin siya kung gusto niya bang samahan kami sa pangunguha ng kabibe" sabi ng lalaking matangkad na halos kaedaran lang namin.

"Oo nga, lalapit lang naman ako sa kanya para sa ipakita itong halimbawa ng mga kabibeng ginawa naming kwintas" sabi naman ng isa pang lalaking nakasumbrero ng banig.

Tiningnan ko naman si Selah na ngayon ay nakatingin sa dalawang lalaki. Napailing nalang ako dahil sa ginawa na naman niyang kalokohan.

"Pasensya na kayo, ngayon lang kasi iyan nakakita ng mga gwapong lalaking tulad niyo" pang-uuto ko sa kanila. Tumingin ako sa paligid at nakita kong isang malawak na dagat ang nasa harap namin. Mukhang nasa lugar kami ngayon kung saan pangingisda ang ikinabubuhay ng mga tao rito.

"Ako nga pala si Rodel siya naman ang kapatid kong si Ino, bakit ganyan ang mga suot niyo? Saan kayo galing?" Tanong ng lalaking matangkad.

"Ako naman si Samuel at siya si Selah, g-galing kasi kami sa isang handaan kaya ganito ang mga suot namin. Palusot ko. Tumango naman sila pareho at mukhang naniwala.

Kabanata ng PagsintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon