Ika-sampung Kabanata

2 0 0
                                    

Muntik na kong matumba sa pagkakababa sa'min ng malakas na hangin. Nakapila ako ngayon kasama ang mga babaeng mahahaba ang gown. Anong ginagawa ko rito? Napatingin ako sa hawak ko dalawang malaking maleta.

"Lalakad ka ba o tatanga nalang diyan?" Tanong ng babaeng mukhang masungit sa likuran ko. Inirapan ko siya at binitbit ang maletang dala ko habang hirap na hirap naman ako sa suot kong gown.

Anong lugar ba 'to? Bakit parang kakaiba? Ito ang pinakakakaiba sa lahat ng napuntahan namin. Nasa harap ko ngayon ang isang napakalaking parang palasyo o hotel. Teka, nasaan si Samuel? Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko ang maraming lalaki sa kabilang banda na parang mga wizard naman ang suot. Nagkatinginan kami ni Samuel at binigyan ko siya ng tingin na nakakapagtaka.

"Makinig ang lahat" hindi namin alam kung saan nanggagaling ang boses na iyon ngunit pinakinggan iyon ng lahat.

"Pagpasok niya Hotel na ito ay hindi ninyo maaaring kausapin ang hindi ninyo kapareho ng kasarian. Tandaan ninyo, kalaban ang dapat na maging tingin ninyo sa isa't isa." nagkatinginan kami ni Samuel at nakita ko rin ang pangamba sa kanyang mga mata.

"Maligayng pagdating sa mundo ng mahika!" nagliparan ang lahat ng nasa paligid at ang lahat ay natuwa. Nanlaki naman ang mga mata ko. Kakaiba talaga ang librong 'to. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong mundo. Wala naman akong kapangyarihan na tulad nila. Napahampas ako sa noo ko habang pumapasok kami sa napakagandang hotel.

"Handa na ba kayo para makita ang inyong mga silid?" Napakalaki ng hotel na 'to. Sobrang lawak at sobrang taas.

Nakarinig kami ng isang tunog at bigla na lamang akong napunta sa kwartong itinalaga talaga para sa'kin. Napanganga ako dahil sa pagkamangha. Sa isang pitik lang nandito na agad ako sa kwarto. Pero hindi ko rin maiwasan na matakot dahil alam kong sa mundong ito wala kaming laban. Kailangan ko makausap si Samuel ngunit paano?

SAMUEL

Parang sa isang kisap mata lamang ay nakarating agad ako sa aking silid. Anong mayroon sa mundong 'to? Kailangan kong makausap si Selah. Baka natatakot na naman siya ngayon. Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto at mabilis na lumabas. Tumingin ako sa baba at nakita ko ang mga taong may hawak na parang patpat at ginagamit ito para magpalipad ng gamit o baguhin ang anyo nito. Sa lawak ng lugar na 'to hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Selah.

"May hinahanap ka ba?" Tanong ng lalaking lumapit sa'kin. Kulay ginto ang panloob niya at itim naman ang kanyang balabal.

"Hinahanap ko ang kaibigan ko. Hindi kami pwede sa lugar na 'to" sabi ko.

"Masyado tayong marami rito. Libo-libong tao ang narito para pag-aralan ang mahika. Paano mo siya makikita?"

"Gagawa ako ng paaran" sabi ko at bumaba na sa hagdan.

Akala ko ay mabilis akong makabababa ngunit napakataas pala ng palapag na kinalagyan ko. Inabot ako ng dalawampung minuto bago marating ang ibaba.

Maraming tao akong nakakasalubong ngunit ang hinahanap ko lang ay si Selah. Nasaan na kaya ang babaeng iyon. Nakakita ako ng pintuan palabas kaya't lumabas ako doon. Napakaganda ng natatanaw ko ngayon. Ito siguro ang hardin dito. Napakaraming kakaibang bulaklak at mga paru-paro ang nagliliparan. Luminga-linga ako sa paligid ngunit wala si Selah. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Hindi kami pwedeng magkahiwalay dahil kailangan namin matapos ang kabanata ng magkasama.

"Iho?" napalingon ako sa matandang lalaking tumawag sa'kin mula sa likuran. Nakasuot siya ng puting sumbrero at mahabang damit. Mahaba rin ang kanyang balbas at abot ito hanggang sa dibdib. May dala siyang tungkod na may diamanteng kulay berde sa dulo. Nag-bow ako sa kanya biglang paggalang.

Kabanata ng PagsintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon