Unang Kabanata

9 0 0
                                    

SELAH

Maaga kaming gumising dahil pupunta kami kila Aunty Carla. Wala sana akong balak sumama dahil mas gugustuhin ko nalang magbasa ng libro buong bakasyon kaysa magbakasyon sa probinsya.

"Selah? Nakaayos ka na ba?" Napailing nalang ako at isinara ang bag ko na may apat na librong nakalagay at isang maleta.

"Yes, ma!" Sigaw ko at lumabas na ng kwarto ko. Bumaba na ako at dumiretso na kami sa kotse.

"O para saan 'yang isang bag na dala mo?" Tanong ni ate Chel.

"Nandito ang mga libro ko, ate. Kaya wag na wag niyo 'tong gagalawin" I said. Habang nilalagay ko ang mga bagahe ko sa likod ng kotse.

"I know, alam naman namin ni Josh na ikamamatay mo kung hindi ka makakapagbasa ng libro" Sabi ni ate ko sabay hila sa bunso naming kapatid papasok sa loob ng sasakyan.

Ilang minuto pa ay pumasok na rin ako. Lumagay ako sa pinakalikod ng kotse habang 'yong dalawang kapatid ko naman ay nasa harapan ko. Nasa harap naman si mama katabi ni papa na nagdadrive.

"Ate, try mo rin po kayang mamasyal pagdating natin sa probinsya" Sabi ng limang taon kong kapatid. Pinandilatan ko lang siya at tinakpan niya na ang bibig niya.

Dalawang oras tumagal ang byahe namin papunta kila Aunty Carla. Nagstop over din kami kanina para kumain. Ngayong nandito na kami ay walang gana akong lumabas ng kotse. Tinanaw ko ang paligid ng mansyon ni Aunty. Tahimik talaga rito sa Hacienda Guevarra.

Pag mamay-ari ito ng angkan nila papa. Sobrang lawak ng lupaing ito at kilala rin ang pamilya nila rito sa probinsya ng Silbanya. Ibinaba ni papa ang mga gamit namin at tsaka siya nagdoorbell. Bunsong kapatid ni papa si Aunty Carla at sobrang close nila sa isa't isa kaya tuwing bakasyon ay rito kami nagbabakasyon. Maya-maya pa ay bumukas na ang gate at iniluwa nito ang mataba kong tiyahin na si Aunty Carla.

"Kuya! Ate! Buti naman at dumating na kayo!" Tuwang-tuwang sabi ni Aunty at niyakap kami isa-isa. Bago kami makapasok ay biglang dumating ang mga magsasaka at binati si papa.

"Sir Jorge! Nandito na po ulit kayo sinasabi ko na nga ba dito kayo ulit magbabakasyon!" Sabi ng mamang nakasumbrero at medyo may katandaan na rin.

"Opo, mang Albert! Ano may salu-salo bang magaganap mamayang tanghalian?" Tanong ni papa.

"Opo! Pinaghandaan talaga namin ang inyong pagdating! Nagluluto na po ang iba naming kasama"

Kinuha ko na ang gamit ko para ipasok sa loob ng mansyon ni Aunty pero pinabitawan niya sa'kin iyon.

"Si Samuel na ang bahala riyan" Sabi ni tita at tinawag niya ang isang binata na kasamahan ng mga magsasaka. Hindi ako nag-abalang lingunin pa ang taong magdadala ng mga gamit namin.

Mabilis kaming pumasok nila ate sa mansyon at naupo sa sala. Kinuha agad ni Josh ang tablet niya para maglaro. Ako naman ay tumabi lang sa kanya.

"Excited na ako mamaya!"

"Why?" tanong ko.

"Dahil may salu-salong magaganap at tiyak na makakasama natin doon ang mga Rivero" napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Ang mga Rivero ang isa sa pinakamayamang pamilya rito sa bayan ng Silbanya.

"Huwag mong sabihing lalandi ka na naman kay James Rivero?" Tiningnan naman niya ako ng masama.

"Ano naman? Kaysa sa'yo libro na nga ata magiging asawa mo dahil hanggang ngayon 'di ka pa nagkakanobyo!"

"20 palang ako, ate. Ikaw 25 na kaya kahit mag-asawa ka na agad ayos lang" sabi ko sabay irap sa kanya. Ganito talaga kaming dalawa pag kami nagkasama.

Kabanata ng PagsintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon