Chapter I: The Camp Counselors

93 2 0
                                    

"Sama ka?"

Napatingala si Mikaela. Sa harap niya ay nakatayo ang babaeng mahaba ang kulay brown na buhok, mestiza at medyo slim. Malaki ang ngiti nito sa labi. "Hindi Rachel." Maikling sagot nito, hawak ang librong binabasa habang nakaupo sa food court ng canteen ng Perryton University. Ang tinutukoy ng kausap ay ang paparating na children summer camp kung saan magiging counselors o cabin leaders sila sa Camp River Way malapit sa Timber Grove.

Umupo si Rachel sa harap niya. "Sige na, please? Join ka na." pagmamakaawa nito at ipinatong ang mga braso sa mesa at hinila ang mga kamay ng kausap.

"Bakit kasi? Mag-eenjoy tayo roon!"

"Diba sinabi ko na sa'yo na start na ng baking lesson ko sa bakasyon."

"Eh ilang araw lang naman 'yon. Wala pang isang linggo. Makakaabot ka pa sa start ng orientation n'yo."

"Di talaga Rachel." Wika nito at hinila ang mga kamay pabalik at itinuloy ang pagbabasa ng libro.

"Sasama si Chris."

Sa sinabing iyon ni Rachel ay tila napahinto ang kausap. Napatingin sa kanya.

"Uuuyyy, sasama na 'yan."

"Pag-isipan ko pa."

"Wag na. Alam mo chance mo na 'yon para makilala ka pa niya lalo. Di ba matagal mo na siyang gusto?" medyo nilakasan ni Rachel ang pagbanggit sa mga huling sinabi.

"Sshhh, wag ka ngang maingay. Mamaya marinig ka ng mga kaibigan ni Chris." Pagpapahinto ni Mika.

Sinadyang nilakasan ni Rachel ang boses niya. "Sasama si Christian Mark Mariano!"

Napahinto ang pag-uusap ng grupo ng mga kalalakihan sa di kalayuang table at sabay-sabay na napatingin sa dalawa.

Natameme si Mika at hinablot ang kaibigan at pilit pinapaupo sa tabi nito. "Sabi nang wag kang maingay ehh. Narinig tuloy tayo."

"Naku, gusto mo bang ulitin ko?" natatawang sabi ni Rachel.

"Tama na, ano ba."

"Eh sumama ka na kase. Sige na please, please, please."

"Di ba kasama mo naman si Sandra."

"Eh gusto ko magkakasama tayong tatlo."

Ilang sandali pa ay dumating ang isang babaeng maraming accessories sa braso at may highlights na iba't ibang kulay ang buhok. Nakapalda ito na abot hanggang tuhod at may sukbit na shoulder bag. Kaagad na umupo ito sa harap ng dalwang babae.

"So Rachel, napilit mo na itong si Aling Mika?" nakangiting tanong nito.

"Hindi pa Sandra. Masyado pang pabebe itong si Mika."

Nakakunot ang noo ni Sandra nang titigan ang kaibigan. "It's gonna be fun for us! Chris and his gang will be there." Pabulong nito pagkatapos ay tumingin sa grupo ng mga lalaki. Napalingon naman ang isa at kumaway kay Sandra. Kumaway pabalik ang dalaga bago ituon ang tingin sa dalawa. "So ano na?"

"Makikipagharutan lang kayo dun eh, idadamay n'yo pa ako." Medyo naiiritang sagot ni Mika.

"Hoy hindi naman. Para sa mga bata rin 'yon. Saka aattend ng summer camp yung makulit kong pinsan. Gagawin yata akong tagabantay ng nanay no'n." paliwanag ni Rachel.

"Saka, yung gagawin nating pagvolunteer sa camp, malay mo plus points yun kay Sir Bernales since balita ko magiging professor natin sya next year. Saka para naman 'yun sa mga bata eh, marunong ka naman tumugtog ng instruments lalo na ng gitara, turuan mo 'yung mga bata. The boys will teach sports." Dagdag pa ng isa.

The Case of Mikaela DuvalinWhere stories live. Discover now