Hi sana po basahin niyo rin po ang story na 2 …
Tnx…
Chaptet:; 08
Ella’s pov
Hindi alam ni ella kung ano ang unang impresyon niya kay Dan.
Romantic? Hind sapat ang breakfast na basehan. Kailangan niya pa itong makilala nang lubusan at makasama nang matagal, pero ano ang impresyon niya rito.
As a person?
Funny?
Serious?
Good?
Bad?
Haiii, paano niya nga masasabi kung scripted naman lahat ng ipinapakita nito sa kanya? O ganoon nga kaya?
Kaya ba parang perpekto ang lahat dahil pinaghandaan itong mabuti ni Dan?
How about his actions?
Ang pagiging gentleman nito?
Napractice din ba ang mga iyo?
How long would it take bago bumigay ang lalaki at magpakatotoo?
Damn it! Nahihirapan siyang bumuo ng impresyon dahil ang totoo ay apektado siya ng kagwapuhan nito. Kung hindi ba naman siya kaagad na naattract!
Pero hindi dapat. Kailangan niyang magpakatatag. Kung ang lahat ay matatapos at magawa ng lalaking ipabawi sa kanya ang kanyang sinulat, lalabas siyang talunan.
No way! Kahit apo pa ito ni Casanova ay hindi mangyayaring manalo ito sa larong iyon.
nakasalalay ang reputasyon niya rito.
--------------------------------------------
Sunu-sunod na katok ang narinig ni Grace sa pinto ng silid nito. Natural hindi na ito nagiisip kung sino pa nga ba kundi ang magaling na kuya niya na naramdaman ang pagdating nito kaya kaagad siyang sinugod.
Maragal bago nito binuksan ang pinto “ yes?” painosenting tanong nito.
Itinulak ng kapatid ang pinto at hinayaan siya nitong makapasok, inilibot ng nakakatandang kapatid ang paningin sa paligid, halatang may hinahanap; una ay sa kama pagkuwa’y sa mesa. At rumehistro ang inis sa kanyang mukha ng walang Makita.
Pinagtiklop nito ang mga braso sa dibdib.
Kung hinahanap mo ang camera,” pasimpleng sabi nito, “ itinago ko sa lugar na hindi mo makikita. Huwag ka nang magpagod.
Matalim ang tinging ipinukol ni Dan sa kapatid bago siya lumabas at pabalibag na isinara ang pinto.
Masayang kinuha ni Grace ang libro na camera sa laundry basket at inirewind iyon para panoorin ang mga na-video nito nang umagang iyon
------***********************--------------------
Tahimik ang hapunan sa bahay nang mga Cooper.
Ilang beses nagtangkang magbukas ng usapan si Ruth pero lagging napuputol din dahil walang nagtatangkang sakyan ito.
Maging ang asawa ay abala rin sa pagoobserba kay Dan. Nang hindi makatiis ay ibinaba ng ginang ang mga kubyertos at kutsara at tiningnan ang panganay. “ So how was your first day?”
BINABASA MO ANG
Midnight Heart
RomanceHi sa inyo !! :) i made this one kase nainspire talaga ako sa mga nababasa ko sa wattpad stories .. kaya ito sana basahin niyo rin at sana magustohan niyo .. :) I am Maria Danniella Perez or called me ella :)