Chapter: 011
Wala na si Dan ng magising siya kinaumagahan. Hindi maintindihan ni Ella kung bakit nakaramdam siya ng lungkot sa di man lang nito pamamaalam.
Ngunit ang panglumo at tila ba biglang lumipad palayo nang pumasok siya sa kusina at Makita ang mesang nakahanda para sa kanya.
Binuksan niya ang mga platong natatakpan doon. Nagluto ang lalaki ng adobong manok at pritong bangus. Nakahanda na rin ang kanyang plato, baso at mga kubyertos. Nang Makita ang note na nasa tabi ng plato ay parang excited na bata na binuksan niya iyon.
See you this afternoon…
He had a nice and clear handwriting, iyon ang una niyang napansin. Naku po! Kung puwede lang iikot niya ang orasan para dumating na ang hapon…
Damn him!!!!!!!!
Oopsssssssss! Saan galling iyon?
From the sensible part of her brain, of course!
Paano ay napapansin na nitong malapit na siyang bumigay sa Dan na iyon!
In just a few days?
With simple acts of kindness?
Damn myself for being so susceptible…
She spent the day writing an article tungkol sa impression niya sa Baguio. Ironically, noong unang dating niya rito, she was determined to dislike the place. Pero sa aspetong iyon pa lang ay talon a siya. She liked the place so much at para bang ini-imagine niya ang sariling titira rito habang-buhay..
There you go again, sita ng isip niya… kailangan ko na yatang umuwi. There is magic in this place o kaya’y gayuma. Ayoko sa mga nararamdaman ko. Ayoko kay Dan, giit ng kabilang bahagi ng utak. Pero nang mag-alas quarto at marinig niya ang pagdating ng sasakyan ng lalaki ay parang may nag-uunahang mga daga sa kanyang dibdib.
Nakaupo sila sa gitna ng airpost at pinapanood ang paglubog ng araw sa bundok ng santo tomas. Tuwing alas cinco kasi ng hapon ay wala nang maglalanding o kaya ay lilipad na mga eroplano kaya bukas ang airport sa mga tao.
At heto sila, walang nagsasalita. Hindi nila alintana ang mga nasa paligid, mga batang naglalaro, mga namamasyal at mga nagjojogging. Ang atensyon nila ay nakatutok sa papalubog na araw. Tahimik nilang pinupuri ang kagandahan niyon.
Nang bigla ay basagin ni Dan ang katahimikan.. “I’d like to invite you tomorrow sa bahay namin.”
bigla siyang tumingin ditto, may suspetsa sa mga mata. “ t----to meet your family?”
“oo”
Ilang sandaling hindi nakahuma si Ella.
Napakagat labi pa siya, pagkuwa’y alanganin uli ang pananalita. “k---kailangan ba iyon? I mean, hindi naman ito totoo, diba?”
Hindi totoo?” seryoso ang boses nito nang magtama ang mga paningin nila.
Na-iwas siya ng mga mata. “ well… isa lang itong trial, diba? Bakit kailangan pa natin silang idamay?”
First of all Ella, hindi ito isang trial. Hindi ito isang kunwaring laro. We are really commited kahit pa sa buwan ito lang. kapag tapos na ang isang buwan at kailangan mong bumalik ng maynila, you are going to look back to this time at ikokonsidera mo ako as one of your ex-boyfriends.”
How could he be so casual about it?
Napakadali ba ng mga bagay sa kanya?
I see,” nagtaas ng kilay ang lalaki.
I’ll be here at ten, susunduin kita para sa lunch.”
Sino sino ang mga makikilala ko?”
My father and my mother since nameet mo na si Grace.”
Napabuntung hinga siya at nagsimula silang maglakad patungo sa bahay ni Airah
Nervous?”
Nah.” Umilling pa siya. I’m such a good liar.
BINABASA MO ANG
Midnight Heart
RomanceHi sa inyo !! :) i made this one kase nainspire talaga ako sa mga nababasa ko sa wattpad stories .. kaya ito sana basahin niyo rin at sana magustohan niyo .. :) I am Maria Danniella Perez or called me ella :)