Sa sobrang daming definitions na ang nabasa at narinig ko tungkol sa love. Wala pa ring makapagsabi kung ano ba talaga ang LOVE.
People define LOVE as
Love is blind.
Love is like a rosary, full of mystery.
Love is not envy.
Love is a feeling of strong or constant affection for a person.
Love makes your world go around.
Love is a constant trial and error process.
Love is patient.
Love makes you crazy
Love is finding someone or something that will worth the most important part of your life, and that is time ---- M.Ellenrey.G
Marami pang definitions ang LOVE. At pasensya na po kung dadagdagan ko na naman ng isa pa. Hahahaha
Ano nga ba para sakin ang LOVE?
Simple lang. LOVE IS LIKE ACCOUNTING.
BAKIT ?
Tinatanong nyo ko kung bakit? This is my explain. Hahahaha
Ang love ay parang accounting. Kasi Kahit na mahirap, kahit na sobrang nakaka stressed na. Kahit sobrang mahirap intindihin. Kahit masyadong kumplikado at magulo. Kahit minsan dahilan ng sleepless nights mo. Kahit minsan dahilan kung bakit umiiyak ka ng balde baldeng luha. Kahit minsan nawawalan ka na ng time para sa sarili mo, specifically sa enjoyment. Pero kahit ganon lahat ang nararanasan mo, pinapagpatuloy mo pa rin. Ganon din sa love, kahit gaano ka nakakaramdam ng hirap at sakit, kahit minsan dumadating ka na sa time na gusto mo nang sumuko. Hindi mo pa rin sinusukuan dahil alam mong nahihirapan ka man, pero MASAYA ka pa rin. Dun ka masaya. At alam mong kapag naging patient ka. May bunga nga talagang makukuha.
Hahahaha. Ang haba noh? Gets nyo? Paki intindi na lang oh. Pleaseee.
Nasagot na ang katanungan na WHAT IS LOVE.
Pero kailan mo masasabi na in love ka o nakakaramdam ka ng love? WHEN?
Masasabi mong in love ka kapag palagi kang may load. Kapag di mo mabitawan phone mo kahit naka charge. Wala kang pakialam kahit sobrang init na ng phone mo basta ang importante mareplayan mo lang sya.
In love ka kapag habang nagtetext ka, eh nangi-ngiti ka. Yung mukha ka ng baliw kahit nasa jeep ka man.
In love ka kapag di mo hahayaan na mawalan kayo ng topic. Kahit gaano pa kababaw, pag uusapan nyo pa rin para di lang matapos yung pagte-text nyo.
In love ka kapag palagi kang naka online kasi kachat mo sya. Magkatext na nga, magkachat pa!? MATINDIIII!
In love ka kapag madaling araw ka na nakakatulog dahil kachat o katext mo sya. Partida pa, araw araw kayo magkatext. Walang kasawaan!
In love ka kapag naiinspired ka sa mga bagay bagay. Nag eexcel ka talaga kasi gusto mong ma-notice ka nya.
In love ka kapag lagi sya ang iniisip mo. Di na naalis sa isip mo. Umaga. Tanghali. Hapon. Gabi. Sya lang! Matindi. Tumambay na sa isip mo -_-
In love ka kapag unting pangyayari lang sa buhay ng taong gusto mo, eh pati ikaw apektado. Lalo na kapag tungkol sa lovelife. Selos agad. Mahilig kasi mag jump sa conclusion eh. Mga assumera/assumero. Hahahaha
In love ka o mahal mo na sya kapag kahit marami kang naririnig na hindi maganda tungkol sa kanya, di ka naniniwala. Kahit nakikita mo na, bulag-bulagan lang ang peg mo. Wala eh. Mahal mo eh -__-
BINABASA MO ANG
This is All About EVERYTHING!
Teen FictionLahat ng tungkol sa Pag-Ibig.Friendship.Heart Breaks.Family.Life.Pain.Happiness. Subukang basahin. At pagkatapos paki untog ang sarili para i-test kung tumama at tumagos ba sa inyong mga puso. Hahahaha. Natamaan ka ba? Dapat umilag ka.