College101

362 2 0
                                    

Wag muna tayo sa LOVE LOVE LOVE. Wala kong maisip na i-topic eh. Hahahahaha. Suggest nga kayo :)))

Studies muna tayo ngayon. Study first nga muna diba? Hahahaha. Dahil December na at malapit na ang PASKO at NEW YEAR. Pag usapan natin ang college. ANONG KONEK? Hindi ko din alam eh. Hahahaha. Jokeeeee

THIS CHAPTER IS FOR ALL THE INCOMING COLLEGE STUDENTS ♥★

Seryoso na kasi Ms.Author! Oo na. Ito na. Kaya ginawa ko tong chapter na ito tungkol sa college dahil ang november ay buwan kung saan nag i-istart na ang mga entrance exams sa different college schools. Specially kung naghahabol ka ng SCHOLARSHIP. This is normally the month na dapat nag i-start na tayo sa mga requirements na kailangan. Ito na yung start ng pagpunta punta ng iba't ibang college schools sa school kung san ka nag-aaral ngayon. Eni-endorse na nila ang schools nila sa inyo. Sa mga incoming college students.

Madaming incoming college students ang kinakabahan at natatakot. Kasama na ko dun. Pero dati lang. Hahahaha. Meron namang sobrang excited. Sino ba namang hindi diba? Malayo na ang college schools na papasukan mo. Lalo na kapag sa Manila ka mag aaral. Mas malaki ang allowance. Mas maraming galaan. Sino ba naman ang di sasaya diba?

Malaki ang pagkakaiba ng COLLEGE sa HIGH SCHOOL. Sabi nga nila, Reality really starts at College. At nung unang pagtungtong ko bilang isang kolehiyala, nasabi ko ngang totoo yun. Reality really starts at college. Sa kabila ng malaking freedom na meron tayo kapag college na, MALAKING PRESSURE din ang mai-experience natin.

Nakadepende lalo sa program na kukunin mo. (Lemme correct pala. Ang alam ng karamihan, COURSE ang tawag sa HRM, IT, BS ACCOUNTANCY, TOURISM, ENGINEERING, ARCHITECTURE at kung ano ano pang programs. Pero mali po yun, ang totoo pong tawag sa mga yan ay "PROGRAM" at ang "COURSE" naman ay yung mga subjects na tina-take natin per sem. Yown lang. Bow!) For example na ang aking program na, ACCOUNTANCY. I'm not telling naman na di mahirap at di nakaka pressure yung ibang program. Lahat naman ng program ay mahirap. Pero for me. BEING AN ACCOUNTANCY STUDENT HAS A REALLY REALLY BIG PRESSURE. Una dahil sa Retention Policy. Ibig sabihin niyan, as an AC student, we have a maintaining grades that we must met every semester. At sa university na pinapasukan ko, 2.00 is our maintaining grade. Not the 3.00. Plus the major courses pa na meron kami. Plus the other examinations that we must take and syempre dapat pumasa kasi kapag hindi, pumasa ka man sa semester na ito pero bagsak ka naman sa examinations na iyon, wala ka ng choice kundi mag shift. Kasi naalis ka na bilang AC student. Ang mga examinations na yun ang tinatawag na QUALIFYING AND COMPREHENSIVE EXAMINATIONS. And every year yan tina-take ng mga AC students. Kaya iniisip samin ng karamihan, yung mga taga ibang programs na puro aral na lang kami. Walang social life masyado. Kasi laging nasa library nag-aaral. Pero kahit ganon ang pressure. Masaya pa rin kami. (Ay teka nga. Bat napunta sakin? Hahahaha)

Pagkakaiba ng College sa HighSchool

sa College, wala ng pakialam sayo ang prof. Mo kung umabsent ka man o pumasok sa klase nya. Ang siste sa college, kung pumasok ka, edi present. Kung hindi naman, edi absent. Simple as that. Ipapaalala lang sayo ng prof. Mo kung malapit ka ng ma-FDA. FDA ang tawag samin, ibig sabihin niyan Failure Due to Absences. Mean na bagsak ka na. Ang lalabas sa grades mo ay FDA. FDA kasi ang tawag samin eh. Hanggang 7 absences lang kasi ang allowed samin eh. 7 absences for 3 unit course. Pero kahit ipaalala sayo yan ng prof. Mo nasa sayo pa rin kung aabsent o papasok ka ba.

● ang mga grades ay hindi na yung normal na 89, 75, 94, 90 something kundi mga 2.00, 3.00, 1.50, 1.00. Sa university ko, 1.00 is the highest, mean 100% ang grades mo. At 5.00 ang lowest mean bagsak ka. You fail. 3.00 is equivalent to 75% mean pasang awa. Meron namang ibang universities na kabaliktaran means 5.00 is the highest and 1.00 is the lowest. It depends on the university.

● may malalaman kang mga salitang REGULAR at IRREGULAR. Kapag Regular ka normally sa lahat ng courses mo, same lang ang mga classmates mo, may iilang piraso lang ang makakasama mo na di nyo ka-block. At ang mga students na yun ay tinatawag na Irregular, mean na iba iba ang magiging classmates mo.

● mas matagal ang break time compare sa highschool. Kung sa highschool ay 10 to 30 minutes lang, sa college from 1 hr onwards it depends sa schedule mo. Kapag sinu-swerte ka. Meron ka ng Break time, may Lunch time ka pa. Tiba tiba diba?

● mas madaming co-curricular activities sa college. Mas masaya. Mas exciting.


What you should bring on the very first day of class....

1. Your I.D . If and only if you got your ID na.

2, Your EAF. EAF ang tawag samin eh. Ibig sabihin niyan Enrollment Assessment Form. I bet sa ibang school iba siguro ang tawag. XD

3. 1x1, 1.5x1.5 and 2x2 pictures.

4. Index cards. Normally 1/8 and 1/4 sizes ang ginagamit.

5. Syempre papel at ballpen. Hindi na intermediate pad ang ginagamit sa college ah. Yellow paper na dun. Ang alam nyo naman siguro na hindi na yung pang highschool na notebook ang ginagamit dun, binder na. Yung may mga filler na. Basta yun. Marami sa National BookStore. Hahahahaha


Sa tingin ko naman, yan lang naman ang mga dapat dalhin sa 1st day of class. Syempre pera. Alangan naman ngumanga ka lang diba. At lakadin mula school mo pabalik sa bahay nyp diba.



Yown lang. If you have questions. Just ask me na lang. Suggest kayo ng ibang topic na gusto nyo.










------------------------
LivingInRealWorld

This is All About EVERYTHING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon