Friendship VS Love

191 3 0
                                    

Love and friendship naman tayo. May naisip na kong topic. Hahahaha. Hope you continue reading :)


FRIENDSHIP VERSUS LOVE.


Marami sa atin ang may bestfriend na boy or vice versa. At dahil sa pagiging mag bestfriend relationship na yan, sobrang laking possibility na may mafall. Swerte na lang kung parehas kayo mafall sa isa't isa. PERO PANO KUNG HINDI? ANONG GAGAWIN MO?

This question is so viral nowadays especially for the teenagers. And that question is, What will you choose, stays as a friend or level up into a lovers?

Ang hirap na tanong niyan lalo na kung ang bestfriend mo ay di naman nafall sayo. Ano nga bang mas matimbang para sayo ang friendship nyo o ang feelings mo?

Sabi ng karamihan. Friendship na lang. Kasi ang friendship mag i-stay for a lifetime pero kapag naging kayo tapos nag break, di na maibabalik ang friendship.

Tama. Korak. Plangak. Check. Isang malaking check sa mukha. May point naman kasi talaga, ang friendship nga naman ay mag i-stay for a lifetime compare kung naging kayo tapos nagbreak din eventually. Aminin naman kasi natin kung dati kayong mag bestfriends tapos naging lovers then nagkahiwalay. Di na maibabalik ang friendship. Sasabihin nyo na hindi rin, meron namang naging friends ulit. Yes. I know that meron talagang nagiging friends ulit BUT hindi na katulad nung noon. Kasi aminin man natin o hindi, nag mark na kasi sa sarili natin yung mga nangyari during nung naging lovers kayo. At sobrang hirap na ibalik kung ano yung meron kayo dati. Yung closeness nyo noon. Yung moments na walang hiyaan. Yung wala kang takot ipakita yung flaws mo kasi bestfriend mo sya. Yang mga yan mahirap na yan ibalik sa dati pa. Magiging friends kayo? Oo. Pero not the old ones.

Sinasabi nung mga taong naging lovers. Sayang, mali ang naging desisyon ko. Sana mas pinili ko ang friendship kesa sa feelings ko, edi sana ngayon yung closeness namin ganon pa rin. Yes. Manghihinayang ka. Pero it is your decision eh. Kaya whether you like it or not, you need to deal with the consequences of your actions.

Pero hindi ko naman sinasabi na friendship na lang ang piliin nyo kasi mas safe. Hindi rin. Pano kung naghihintayan lang pala kayo? Pano kung hinihintay nyo lang ang isa't isa na umamin? Tska mahirap itago at isawalang bahala ang feelings. Coming from experience. Hahahahahaha . Pero totoo yan, yung pipilitin mo at itatatak mo sa kokote mo na magbestfriends lang kayo. Na wala kang karapatan pag bawalan syang mainlove sa iba kasi bestfriend ka lang naman nya. Dapat ready ka sa lahat ng ikwe-kwento nya sayo tungkol sa lovelife nya. Tungkol sa taong nagugustuhan nya. Kung meron man. Kasi nga bestfriend ka nya. At ang bestfriend ay handang makinig. Wala kang magagawa kasi pinili mo yan. Pinili mong mag stay bilang mag bestfriends kayo. Kasi naniniwala kang mas ok yun. Kaya again deal with the consequences of your actions.

Pipiliin mo bang i-endure ang lahat ng pain kapalit ng friendship nyo?



Yung iba naman, mas pinipiling umamin. Kasi iniisip nila, minsan lang maramdaman ang feeling na mainlove kaya bat papakawalan pa. Malay mo diba.

Tama again. May point din naman. Naniniwala kasi ako na dito sa mundo you need to take a risk. Kasi kapag natakot ka lang. Takot lang ang pinairal mo palagi. Wala kang mararating. Dapat umalis ka sa safe zone or comfort zone mo. And if you don't take a risk, how will you able to know the results.

Yung iba naglalakas loob umamin. Naglalakas loob aminin yung totoong feelings nila. Nagpapakatotoo. Yung mga taong ganito, sobrang tapang kasi naka risk yung friendship nila eh pero pinili pa rin niyang umamin kasi ayaw niyang manghinayang. May mga taong nag ta-take ng risk kahit kapalit nun yung friendship nila kasi ayaw nilang mabuhay sa WHAT IF's.

Totoo. Mahirap mabuhay na puno ng what if's. Puro what if ganto, what if ganyan. Pano kung ganto. Pano kung ganyan. Kasi mas pinili mong hindi umamin. Kasi mas pinili mong itago na lang.

2 ang pwedeng maging results ng pag amin mo (1) same kayo ng feelings. At nag agree kayong mag level up into lovers. Yung mga ganyang instances, swerte kayo kasi nagbunga ng maganda. Naglakas loob ka kasi. Ang kailangan mo na lang gawin ay pahalagahan at i-treasure kung ano ng meron sa inyo ngayon. Para hindi masayang yung pag take ng risk mo. (2) umamin ka sa kanya pero sya wala pala siyang feelings sayo. Hanggang bestfriends lang pala talaga. Sa madaling salita. ONE SIDED LOVE AT UNREQUITED LOVE. Masakit? Syempre naman kasi nalaman mong ikaw lang pala ang nagmahal. Pero you need to accept the consequences. Isipin mo na lang, atleast naging malinaw na. Hindi ako mag iisip bawat oras ng mga what if kasi nag take ako ng risk. Yung mga ganyang situations, it resulted to an awkwardness. Yung relationship nyo na sobrang closeness ay mababawasan na, kasi aware na kayo na kahit papano may meaning na yung sobrang closeness at sweetness nyo eh. Isa yan sa mga consequences na kailangan mo iaccept. Worse? Mawala yung friendship nyo mismo, kasi may isang lalayo na lang. Ayaw mo man pero kailangan mong iaccept kasi yan yung naging consequence sa napili mong decision eh.


Bottomline? Pag isipan mo mabuti yung magiging desisyon mo. Willing ka bang mag take ng risk? Are you open sa mga consequences that awaits for you? Pahalagahan mo yung mga bagay at tao na nandiyan para sayo ngayon kasi di mo alam kung hanggang kailan pa sila mag i-stay sa buhay mo. You need to think 10000000x . At kapag sure ka na. Decide. Decide on what makes you happy.








Continue reading. Sana may naitutulong naman ako kahit papano. Hahahahaha. Comment lang your suggestions. Im open for all :)) vote. And stay tuned for more :D

-----------------------
LivingInRealWorld

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This is All About EVERYTHING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon