The first chapter is all about LOVE. This chapter will tackle again LOVE. Hope you have time to read, leave a comment, and vote. Thankieeee
Madaming nagtanong at nagtatanong sakin ng question na ito "DAPAT BANG PATAGALIN ANG PANLILIGAW?"
Sa sobrang daming nagtanong sakin niyan, natanong ko na din tuloy sa sarili ko kung dapat nga ba? Pinapatagal nga ba talaga ang panliligaw?
And my answer is YES! Mas maganda po talaga kung pinapatagal natin girls ang panliligaw satin ng guys. Bakit? Kasi syempre mas makikilala mo ang isang lalaki. May mga nagsasabi sakin na NO, ok lang na hindi gaano pinapatagal ang panliligaw o ligawan stage kasi ang relasyon ang pinapatagal, hindi ang panliligaw. I know that. I definitely know that, lahat naman ng tao na pumapasok sa isang relationship. Yan ang goal. Ang mag stay sila ng matagal. Together Forever nga daw eh :3 Pero I believe na ang relationship o naging samahan nyo during the ligawan stage will be your FOUNDATION. FOUNDATION nyo yun sa magiging relationship nyo. Kung masyadong mabilis ang naging ligawan stage nyo dahil sinagot mo na sya agad. You cannot tell me na you know him/her very well na o a lot na. Because that is not true. Sa loob ng 3-5 months na ligawan, nakilala mo na sya agad? Susme. I will not definitely believe you. Ang mag bestfriends nga ng ilang years na, di pa rin ganon kakilala ang isa't isa eh. Nagugulat pa rin sila sa araw araw kasi may bago silang nalalaman sa isa't isa.
And believe me girls, hindi naman masamang magpaligaw ng matagal eh. Be sure lang na hindi ka lang MAGPAPAASA. Iba ang nagpapaligaw sa nagpapaasa. Kung yun lang din ang motive mo girl, aba magbigti ka na. Hahahaha. Sa ligawan stage mo kasi malalaman kung gaano ka-patient ang guy. Kung magpapaligaw ka lang ng sobrang bilis, like 1 month? Iisipin lang sayo ng iba na easy to get. Masakit pakinggan diba? Pero kung ganyan naman kabilis, baka kailangan mong tanggapin na easy to get na babae ka nga talaga. Tska ang mga lalaki, kapag nanliligaw yan, lahat ng ipapakita sayo niyan, puro positive, puro magaganda, puro mabulaklak na mga salita, puro ka-sweetan. Hindi magpapakita yan ng kabalastugan o negative kasi syempre basted sila nun, turn off tayo nun. Pero kapag pinatagal natin ang panliligaw, mate-test ang patient nila, at masasabi natin kung seryoso ba talaga sila.
Kasi malay mo trip ka lang pala. Kung trip ka lang niyan at gusto ka lang pasagutin and after nun i-break ang heart mo, di yan magsasayang ng sobrang tagal na panahon sayo. Nasa mga utak pa ng mga ganoong lalaki, "PUCHA, TAGAL NAMAN AKONG SAGUTIN, TRIP KO LANG NAMAN. FEELING MASYADO." Believe me girls, isang way yan para malaman kung seryoso o hindi ba sayo ang isang lalaki.
Ito pa ang isa. Malay mo PINAGPUPUSTAHAN KA LANG PALA. Isang way din ang matagal na ligawan stage para malaman mo kung seryoso ba o hindi ang isang lalaki. Kasi kung pinagpupustahan ka lang niyan, gagawin lahat ng uri ng ka-sweetan sayo yan, pero again hindi yan mag iinvest ng matagal na panahon sayo. Kasi like, pinagpustahan ka kapalit ng isang buong buwan na libre lunch. Maiinip ang mga ganitong lalaki kasi gusto na nila malibre agad ng mga katropa nila.
Those type of guys, maybe will invest lahat ng uri ng ka-sweetan, kakilig kilig na mga bagay. Lahat gagawin sayo niyan mapasagot ka lang. Pero I am very sure, they will not invest a lot of time. Kasi ang mga lalaki nga, madaling mabored. Kaya karamihan sa kanila, gusto makuha agad yung mga gusto nila. Kaya kung matagal ka magpapaligaw sa mga gantong uri ng lalaki, magugulat ka na lang isang araw, wala na yung mga ka-sweetan nun, at mas masaklap? Ginagawa na nya sa new prospect nya. Kaya Be Careful sa mga ganitong uri ng lalaki.
Kaya I highly encouraged girls out there na kilatisin maigi ang mga nanliligaw sa inyo. Isipin muna natin kung talagang seryoso ba talaga sila satin o hindi. Let's test them sa ligawan stage pa lang. Malalaman mo talaga kasi ang tunay na ugali ng isang tao depende sa tagal mo na syang kakilala.
Choose a guy na willing maghintay. Kahit gaano pa man katagal. Kasi kung tunay talaga ang pagmamahal ng taong yun, handa syang maghintay, matagal man. Willing niyang i-invest ang isa sa mga pinaka importanteng bagay sa buhay nya, at iyon ang TIME.
Dahil I believe, You can give love. You can love everyone, but you cannot give your time to everyone, especially at the same time. Kaya maswerte ka kung inaalayan ka nya ng time nya, it only mean na special ka.
Siguro kapag nabasa to ng mga lalaki, iisipin at sasabihin nila na I was totally bias. Pero I'm not. We are all know naman talaga na maraming lalaki sa panahon ngayon na mahilig mantrip lang, pinapagpustahan lang ang isang girl, and hindi talaga seryoso. pero hindi ko naman sinasabi na lahat. Syempre may mga lalaki pa rin na seryoso. Yung loyal, honest, at faithful talaga. At alam ko na hindi lang lalaki ang ganito, may mga ganitong babae din. Yung nantri-trip lang, yung hindi seryoso. Kaya equal pa rin talaga. Let us all know them first very well, before engaging into deeper kind of commitment or relationship. Kasi mas maganda kung kilala natin ng mabuti ang isang tao.
That's all. Before again, hindi ko sinasabi na required sa lahat ng babae na gawin ito. It depends pa rin sa inyo. It only serves as a guide for all the ladies out there.
You know, Ang bottom line lang naman nito ay, Let us value ourselves very well, both girls and boys doesn't deserve to be hurt. Kaya let us think very carefully in having our decisions. Alright ? :)))))
Ang next naman natin ay ang tanong na "WHAT WILL YOU CHOOSE, THE TRADITIONAL WAY OF COURTING OR THE MODERN ONE?"
Ano nga ba? Traditional o Modern? Ay ewan. JOKEEEEEE
Pero before I answer that, let us know first the difference between the two.
Traditional Way of Courting.
Ito yung mga panliligaw na ginagawa ng mga kalalakihan noon, like:
• nanghaharana
• hinahatid talaga sa mismong bahay ng girl
• nagsisibak ng kahoy
• tumutulong sa magulang ng girl, sa mga gawaing bahay.
• nagbibigay ng mga love letters
• dinadalhan ng mga pagkain
Some pa lang yan sa mga ginagawa ng lalaki noon. Pero pano naman ang panliligaw NGAYON?
Modern Way of Courting
● panliligaw through text, chat, at call
● binibitbit ang bag
● hindi na tumatagal ang panliligaw
● hindi na pumupunta sa mismong bahay ng girl, kasi through chat, text, at call na lang.
Ano ano ang nadudulot ng TRADITIONAL WAY OF COURTING?
Una sa lahat, mas nakikita mo ang effort ng isang guy. Pangalawa, nakikilala mo sila ng maigi, at nakikilala din ang guy na yun ng mga parents mo. Kasi nga pumupunta mismo sa bahay nyo. Dahil mas nakikilala ng parents mo ang guy, mas nagu-guide ka nila sa kung ano ang dapat mong gawin. Mas enlightened ka.
Pano naman kapag MODERN WAY OF COURTING?
Una, di ka secure, di mo alam kung totoo o seryoso ba talaga sayo kasi sa text,chat at call lang naman nya pinapakita ang lahat eh. I believe na, you can know if the person is true is through his/her eyes, reactions, and how he/she does an action. Sa una lang sweet, pero kapag tumagal na, nagiging bitter-sweet na ang mga gestures nya like: kung dati hatid sundo ka nya, ngayon ang sinasabi na lang nya ay "magtext ka ah, kapag nakauwi ka na". Hindi ka rin ganoon ka guided ng parents mo kasi di naman nila kilala personally, kasi hindi naman pumupunta sa bahay nyo.
Kaya for me. Mas dapat pa rin talaga ang Traditional way of courting. Kasi kahit traditional na, aminin natin nakakakilig pa rin. Mas ramdam talaga natin yung value natin, mas ramdam natin na special tayo. And mas maganda naman kasi talaga na kilala natin sila personally, hindi yung through net working sites lang. Kasi we are not sure. We are not totally sure na seryoso sila and hindi tayo mapapahamak.
Chapter 2 is about COURTING. Hope you read it. Thank you :))) Saranghae ♡♥
---- LivingInRealWorld
BINABASA MO ANG
This is All About EVERYTHING!
Teen FictionLahat ng tungkol sa Pag-Ibig.Friendship.Heart Breaks.Family.Life.Pain.Happiness. Subukang basahin. At pagkatapos paki untog ang sarili para i-test kung tumama at tumagos ba sa inyong mga puso. Hahahaha. Natamaan ka ba? Dapat umilag ka.