MAHAL KO O MAHAL AKO?

439 1 0
                                    

Sabi nga sa kanta ni KZ TANDINGAN na "Mahal Ko o Mahal Ako"

Dalawa kayo sa buhay ko

At ako ngayon, ay kailangan ng mamili

Isa lang ang maaari.

Sino ang pipiliin ko, ikaw ba na pangarap ko o sya bang kumakatok sa puso ko?

Anong paiiralin ko isip ba o ang puso ko.

Nalilito litong litong lito.

Sinong pipiliin ko. Mahal ko o mahal ako?

Sobrang cliche noh? May mahal ka. Pero di ka kayang mahalin kasi may mahal na iba. May nagmamahal sayo na ibang tao. Pero di mo magawang mahalin kasi mahal mo yung taong may mahal naman na iba. Sobrang cliche man kasi kotang kota ang ganito dito sa wattpad. Gamit na gamit sa mga movies. Pero aminin natin, kahit cliche na, naeexperience pa rin natin kaya relate na relate tayo. Totoo naman kasi na nangyayari sa totoong buhay. At lalong aminin natin na ang hirap mag decide diba. Sino nga ba talaga ang dapat piliin?

Ang taong MAHAL MO.

BAKIT?

Kasi sya yung mahal mo. Kasi mahal mo sya kahit di ka nya mahal. Kasi mahal mo sya kahit di nya naibabalik yung pagmamahal na binibigay mo. Kasi mahal mo sya kahit na nasasaktan ka na. Kasi mahal mo sya kahit tinutulak ka na nya palayo sa kanya. Kasi nga MAHAL MO SYA. PERIOD. Kahit puro kahit, pinupush mo pa rin kasi nga mahal mo sya.

Pero pano kapag pagod ka na? Pano kapag dumating yung time na masasabi mo sa sarili mo na "pagod na ko" Lahat ng tao napapagod. Hindi kasi ako naniniwala na walang napapagod pagdating sa LOVE. Tingin ko hindi totoo yun. Kasi kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, dumadating pa rin yung time na mapapagod ka. Kasi tao lang tayong lahat. Napapagod din. Kasi naniniwala ako na ang LOVE ay hindi puro give lang ng give. Dapat nakakatanggap ka din ng return. Kasi ang LOVE, TWO WAY PROCESS. Hindi lang dapat puro bigay. Dapat may natatanggap ka din. Hindi din dapat puro tanggap lang. Dapat may binibigay ka din. Hindi naman masamang magmahal, pero dapat isipin natin na hindi sa lahat ng oras, makukuha natin yung gusto nating makuha. Kasi ang totoo. Kapag nagmahal ka, hindi sapat na puro PAGMAMAHAL lang.

Pero nakadepende pa rin sayo ang desisyon. Ikaw pa rin naman ang magde-decide. Kahit ilang milyong tao pa ang magpayo at magsabi sayo, at the end of day, its your decision that will matter. Kung magpapaka-martir ka ba sa taong di ka kayang mahalin, kung handa ka bang maghintay sa kanya at aasa na darating ang time na ikaw ang mamahalin nya. O tatanggapin mo na hindi talaga kayo ang para sa isa't isa. At iisipin na may someone na mas better na naghihintay sayo.

Ang taong NAGMAMAHAL SAYO

BAKIT?

Kasi pagod ka ng umasa. Kasi pagod ka ng maghintay. Kasi feeling mo, walang nangyayari sa lahat ng efforts na ine-exert mo. Kasi sa taong nagmamahal sayo, alam mong sure yun. Kasi iniisip mo na darating din ang araw na sya na yung mamahalin mo. Kasi naniniwala ka na pwedeng maturuan ang puso. Kasi sawa ka ng umasa na mamahalin ka din ng taong mahal mo. Kasi nakikita mo lahat ng efforts ng taong nagmamahal sayo.

Pero sumagi ba sa isip mo na baka nagiging unfair ka na? Pinipili mo yung taong nagmamahal sayo kasi alam mong wala kang chance sa taong mahal mo. Pinipili mo sya kasi pagod ka na sa lahat ng drama na nangyayari sayo kahit na hindi mo naman sya mahal. Maybe yung taong nagmamahal sayo ay special para sayo, or maybe mahalaga, or maybe may part na sa buhay mo. Pero not to the point na Mahal mo sya. Sinabi ko nga sa last chapter na iba ang MAHALAGA AT SPECIAL SA MAHAL.

Pero again nasa sayo pa rin ang desisyon. Hindi naman masamang bigyan din ng chance yung taong palaging nandiyan para sayo kahit ilang beses mo na syang tinataboy palayo. Yung taong handa ka pa rin mahalin kahit ilang beses mo syang saktan, kahit ilang beses mo pa syang i-reject. Kasi mahal ka nya. At handa syang patunayan sayo yun.

Bottom line nito?

Ikaw ang magde-decide para sa sarili mo. Choice mo kung sino ang gusto mong piliin. Ito lang ang gusto kong i-impart. Kapag nag de-decide ka. Don't decide just by considering only yourself. Isipin mo din yung mga tao sa paligid mo. Yung taong maaapektuhan ng magiging desisyon mo. Do what is right. Not what is good.








-------
LivimgInRealWorld

Hope you read it. Vote. And leave a comment if you want.
Stay tuned. Sa mga next update ko pa.

This is All About EVERYTHING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon